|
||||||||
|
||
Kumusta ang inyong katatapos na Araw ng mga Puso? Para sa akin, bagama't maraming naglalarong posibilidad sa aking isip, noong dumating ang araw na ito, parang normal lang ang lahat. Isang araw bago dumating ang Araw ng mga Puso, kumain kami ng asawa at nanay ko sa isang restaurant na gustung-gusto kong puntahan. Di-gaanong maraming tao kaya hindi kailangang maghintay nang matagal. Napakasarap ng kanilang assorted pizza, pasta at fruit salad. Noong Valentine, sa halip ng bulaklak, nakatanggap ako ng red bean sweet cake mula sa aking asawa bilang regalo, at sa daan pauwi, magkasamang bumili kami ng sariwang cherry, blackberry at strawberry sa isang fruit shop. Hindi ko rin nakalimutang bumili ng powder medicine para sa athlete's foot ng aking asawa sa malapit na pharmacy. Ito ang unang Araw ng mga Puso pagkaraan ng aming kasal. Medyo simple lang pero masaya at satisfied naman ako.
Sabi ng mobile phone user 9104350XXX: "ang pag-ibig ay di kaning isinusubo at iniluluwa kapag napaso."
Sabi ni jeffy sumilhig: love is patient, love is kind.it is not jealous, is not pompous. it is not inflated. it is not rude. it does not seek its own interest, it is not quick-tempered. it does not brood over injury. it does not rejoice over wrongdoing, but rejoices with the truth. it bears all things, believes all things, and endures all things.
Sabi naman ng 9173519XXX:love is the end of a long and winding road; you need perseverance to reach your destination.
Kasiyahan natin ang kantang "together" na ibinigay ni Avril Lavigne. Belated Happy Valentine and Everlasting Happiness Being Together.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Pop China ng Serbisyo Filipino. Ito si Sissi, ang inyong happy, ever happy DJ.
Noong nakaraang sabado, habang tinatalakay natin ang hinggil sa Araw ng mga Puso, ang queen of pop, forever super star na si Whitney Elizabeth Houston ay natagpuang patay sa bathtub ng kanyang kuwarto sa Hilton Hotel sa bisperas ng 2012 Grammy sa Beverly Hills, LA. Sa buong buhay niya, nakakuha si Whitney ng 562 nominasyon sa iba't ibang music festivals at nagwagi ng 415 beses, kaya siya ang tinanghal na female singer na may pinakamaraming awards sa Guinness Book of Records.
Noong taong 1963, Agosto, isinilang si Whitney sa Newark, New Jersey. Ang nanay niya ay isang sikat na singer na nakipag-collaborate minsan kay Elvis Presley. Minana ang golden voice ng nanay, mula noong 11 taong gulang, nagsimula si Whitney na kumanta ng mga gospel music sa simbahan, at pagkaraang ma-publisize ang kanyang kauna-unahang album "Whitney Huston" noong 1985, no one can ever stop Whitney from getting popular. Noong taong 1992, sinamantala niya ang kanyang mahusay na performance sa pelikulang "Body guard" at pagkaraang kantahin ang theme song na "I will always love u", narating ni Whitney ang peak ng kanyang popularity.
Pero, that same year, 1992, ikinasal si Whiteney sa kanyang dating asawa na si Bobby Brown. Si Bobby ang nakapareha ni Whitney sa "Best Man of the World." Si Bobby ang itinuring minsan ni Whitney na "Mr Right of my life". Pero, it was he also, that made Whitney live in the shadow of domestic violence. It was he who pushed her into the abyss of drug. Mula noong panahong iyon, unti-unting nawala si Whitney sa arenang musikal, datapuwa't naroon pa rin ang kanyang pagiging legend. Pagkaraan ng taong 2000, hindi na kayang kumanta ni Whitney sa kanyang ipinagmamalaking high tone at naubos ang lahat ng pera niya sa alcohol at droga. Sabi, isang araw daw bago namatay si Whitney, sinabi niya sa isang kaibigan na gusto niyang makita si Jesus at ang last song na kinanta niya sa huling gabi ng kanyang buhay ay "Jesus Loves Me". Baka, gustong makinig sa kanya ni Jesus. Iniwan na tayo ni Whitney. Bukas, gaganapin ang kanyang funeral. Good trip to heaven, Whitney.
Para sa mga music fans, napakalungkot ng kasalukuyang Pebrero. Noong araw na mamatay si Whitney, isinapubliko sa HongKong ng abogado at mga kamag-anak ng folk singe na si Fong Feifei ang ulat ng kamatayan ni Fong noong ika-3 ng Enero dahil sa lung cancer. Hindi katulad ng isa pang popular na folk singer na si Teresa Teng na may isang natural born na golden voice, dahil isinilang sa isang maliit na nayon, hindi maganda ang kanyang pronunciation at puspusang nagsikap si Fong at nag-aaral mula sa mga beteranong composer. Mahigit 50 taong gulang, patuloy pa rin siyang gumigising nang maaga, tumatakbo at nagpapraktis kumanta araw-araw. Nananatiling considerate siya, dahil nakatatakot na magdudulot ng kalungkutan sa mga relatives at fans. Sabi ni Fong sa abogado na ipagpalibang isapubliko ang ulat ng kamatayan niya hanggang tuluyan siyang makalimutan ng mga kamag-anak at music fans. Pero, paano natin malilimutan ang malamig na boses at alaala na itinago sa kanyang mga obra? Good trip to heaven din, Mrs Fong.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China ika-6 2012
Pop China Ika-5 2012
Pop China Ika-4 2012
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |