|
||||||||
|
||
Noong isang linggo, tinalakay natin ang hinggil sa kung ano ang dapat manehohin ng lalaki? Pero, hindi ko naisip na makakatawag ang topic na ito ng malawakang reklamo sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Manuela: wala nang kotse. wala nang SUV. PUV na lang. mahal crude oil sa world market.
Peachy: sports car, basta iwasan lang nilang magmaneho ng sports papasok sa opisina o eskuwela. sobrang takaw sa gasolina ng ganitong mga sasakyan.
Rodel: dapat bantam cars ang manehohin ng mga lalaki. matipid sa krudo di pa problema sa parking.
John B.: mahal na rin lang ang gasolina cadillacad na lang tayo, hehehe.
Oo, noong Martes ng kasalukuyang linggo, tumaas at lumampas sa 8 yuan RMB o mga 54.6 peso ang presyo ng gasolina kada litro dito sa Tsina. Tapos, nagsimula ring tumaas ang presyo ng gulay, itlog, karne, even pastry dahil sa pagtaas ng gastos ng transportasyon. Sinong may sabi na walang koneksiyon ang pagtaas ng presyo ng crude oil sa mga taong walang sasakyan? Fortunately, walang bayad ang pakikinig sa musika at kasiyahan natin ang masarap pakinggan na kantang "Listen to Mother's Words" na ibinigay ni Jay Chow.
Sabi ni Sonia: iyong mga car freak na lalaki mas malaki pa ang budget sa kotse kaysa asawa nila. Pag nababanggit ang sasakyan at asawa o babae, natatandaan kong sinabi ko minsang ibinibigay daw ng mga lalaki ang kalahati ng kanilang mga puso sa babae at ang kalahati sa sasakyan. Actually, to some degree, may similarity ang babae at sasakyan. Halimbawa, kailangan ng babae ng bahay; kailangan naman ng sasakyan ng parking lot. Dapat pagtuunan ng pansin ang morality ng babae bago mag-asawa; kailangang pagtuunan ng pansin ang kalidad ng sasakyan bago ito bilhin. Sa kalye, nakakatawag ng malaking pansin ang magandang babae; marami naman ang napapalingon sa magarang sasakyan. Ang babae ay may nanay, aunt, girlfriend; ang sasakyan ay may manufacturers, 4S shop at insurance company. Iyong ibang lalaki, isang beses lang mag-asawa at isang beses lang bumili ng kotse sa tanang buhay nila; iyong iba, maraming beses mag-asawa at maraming beses ding bumili ng kotse sa buong buhay nila. nag-aasawa lang ng isang beses, bumili ng isang kotse sa buong buhay.
Ang magandang race car, nangngailangan ng maraming petrolyo; ang magandang babae, nangangailangan ng maraming pera. Kung bibili ng sasakyan, gusto ng mga lalaki ang big brand na sasakyang may mahabang kasaysayan; kung mag-aasawa, gusto nila ang magandang babae na isinilang sa mayamang pamilya na may magandang edukasyon. Sa karaniwan, napakamahal ng maluhong sasakyan, hindi abot-kaya ng nakararaming tao; sa karaniwan, mahirap na makuha ang maraming-magandang-katangiang babae. Kailangang i-maintain mo ang sasakyan mo, kaya madalas na dinadala ito sa 4s shop; kailangang i-maintain mo ang asawa mo, kaya madalas na ibinibili ito ng regalo at isinasama sa beauty shop. Dapat manatiling seryoso ka sa pagmamaneho ng sasakyan, kung hindi, sira ang sasakyan mo o sira ang buhay mo; Dapat seryoso ka sa kasal, kung hindi, sira ang puso niya at sira ang buhay mo. Kung ganoon, being a man is not easy, di ba ? Kantang "Bituing Walang Ningning" na ibinigay ni Sarah Geronimo.
Pagkaraang talakayin ang pagkakatulad ng sasakyan at babae, pag-usapan naman natin ang kanilang pagkakaiba. Puwedeng magka-anak ang babae para sa iyo pero hindi ang sasakyan. Puwedeng magluto ang babae para sa iyo, pero hindi ang sasakyan. Puwedeng makinig sa iyo ang babae kapag malungkot ka pero hindi ang sasakyan. Puwede kang alagaan ng babae kapag may-sakit ka pero hindi ang sasakyan. Puwede kang ibili ng babae ng mamahaling damit at pagandahin ka pero hindi ang sasakyan. Puwedeng mahalin ng babae ang iyong mga magulang, kapamilya, kaibigan, shortcomings dahil mahal ka niya pero hindi ang sasakyan. Hindi ka itatakwil ng babae kahit matanda ka na, wala ka nang pera, hindi ka na malinis at disabled ka na pero hindi ang sasakyan. Sa pagpunta mo sa heaven, kahit hindi lumuha ang babae dadalawin ka naman niya isang matahimik na gabi pero hindi ang sasakyan. Ang kantang "Better Man" na ibinigay ni Robbie Williams. Sana masaya kayong lahat ngayong mahanging gabi.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-11 2012
Pop China Ika-10 2012
Pop China ika-9 2012
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |