|
||||||||
|
||
Noong Biyernes, lumisan ng Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at sinimulan ang dalaw na pang-estado sa Rusya, Tanzania, South Africa, at Republic of Congo. Ito rin ang kauna-unahang paglabas sa platapormang pandaigdig ni Xi bilang pinakamataas na lider ng Tsina. Kasama niya ang napakasikat na First Lady ngayon sa Tsina at popular na popular na folk song singer noon na si si Peng Liyuan. Hindi tulad ng mga nagdaang first ladies ng Tsina, na parang shadow lang o isang di-ensential part ng presidente, iba si First Lady Peng dahil pinag-usapan na siya paglabas nila ni Pangulong Xi ng eroplano sa Moscow. Ito ay dahil sa kanyang elegant manner of dressing, appropriate way of talking and amiable personality, kaya agarang nakatawag si First Lady Peng ng malawakang pansin mula sa buong daigdig at nagresulta sa isang first lady fever sa mga media at mga mamamayan sa loob at labas ng bansa. Ngayong gabi, tama, tatalakayin natin ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa bagong First Lady ng Tsina na si Peng Liyuan. At siyempre, mapapakinggan natin ang ilang beautiful melodies na inawit ni Mrs Peng.
Pagkaraang kasiyahan ang kantang "on the hopeful field" na mula kay ni Mrs Peng, Tingnan muna natin kung papaano siya inilarawan ng mga mass media, sabi ng
NYTimes.com - Peng Liyuan, China's new first lady, adds glamour
BBC NEWS- Peng Liyuan: China's fashionable first lady
The Guardian- Peng Liyuan: China's first lady steals limelight on overseas tour-.
The Telegraph - Peng Liyuan: the 'Kate Middleton' effect of China's new first lady
CHRISTIAN SCIENCE MONITOR - China's Michelle Obama? First Lady Peng Liyuan inspires fashion frenzy
CNN.com - Peng Liyuan, China's glamorous new First Lady -
Deccan Chronicle - Chinese First Lady Peng Liyuan brings glamour in diplomacy
Talagang media sensation na ngayon ang First Lady ng China. Meron akong kakilala na auntie, 60 taong gulang na siya at dati hindi siya nanonood ng news. Pero ngayon, bawat gabi, pagsapit ng alas-siyete (7:00pm), uupo siya sa sofa, sa harap ng TV set at manonood kung anong suot ni Mrs Peng. Fashion icon na talaga siya! Iconic din ang kantang "Song of Yimeng" na mula pa rin kay aming very talented na First Lady, Babalik ako maya-maya.
Tulad ng nabanggit kongauntie, actually, courious ang maraming mamamayang Tsino tungkol sa brand at presyo ng mga magaganda at elegant na wardrobe at jewelry na suot ni Mrs Peng. Noong Huwebes, ipinalabas ng "Exception" isang brand na Tsino na may punong himpilan sa Guangzhou- ang pahayag na nagsasabing ang lahat ng damit, handbag at scarf na isinuot at dinala si Peng ay espesyal na idinesenyo at ipinoprodyus nila at si Mrs Peng ay loyal sa brand na Exception sa loob ng maraming taon. Siguro, ngayon agarang tumakbo sa tindahan ng Exception ang maraming tao na mahilig sa fashion at naghahanap ng desenyo na katulad ng mga isinuot ni Mrs Peng. At alam nyo ba na bumagsak ang website ng Exception dahil sa sobrang dami ng mga taong bumisita sa website? Ayon sa balita ng isang reporter, ang mga produkto ng Exception, ay nagkakahalaga kadalasan ng 2000 yuan RMB o Php 12,000 (peso_. Napakamura kumpara sa Hermes, Gucci at Channel. Isa pang bagay na dapat banggitin, hindi lang Chinese style ang ipinakikita ni Mrs Peng sa kanyang pananamit, maging sa regalong ihinanda niya para sa mga First Ladies ng bansang dinalaw nila. Ito ay pearl necklace at earings, skin care set, Shu embroidery at ang lahat ng mga ito ay produktong Tsino na napaka-common pero de-kalidad. Super tasteful at classy talaga at maging ang paraan ng kanyang pag-awit ay classy din lalong lalo na sa kanyang popular na kantang "Lawa ng Penghu.
Gusto kong i-share sa inyo ang isang video na nakita ko sa internet. May mga interbyu si Mrs Peng sa foreign media, dahil mula 18 taong gulang, si Mrs Peng ay naging well-famed na folk song singer sa buong Tsina at madalas na nagpe-perform sa stage bilang bahagi ng iba't- ibang pangunahing okasyon. Siya ang kauna-unahang folk singer na nakakuha ng Masters Degree sa Vocal Music, at ang husband niya, na si President Xi Jinping noong panahong iyon, ay isang deputy alkade sa isang lunsod sa silangang Tsina. Low-profile, busy na busy, hindi sikat, hindi importante. Kaya, tinanong ng reporter kay Mrs Peng, para sa isang babae na tulad mo, maganda, matagumpay, kilala, hindi ko alam kung anong klaseng lalaki ang makakapantay o makakatapat sa iyo? Pero hindi ito sumagi sa isip ng Mrs. Peng. At ang lalaki na minaliit ng reporter noon at inakalang di kayang pantayan ang tagumpay ni Mrs Peng ngayon ay Pangulo ng ng Tsina. At ito ang chika, alam kong aktibo pa rin ang reporter na ito sa media, sana di siya maging uneasy kung irereview niya ang interview na ito.
Bilang panghuling awit ngayong gabi heto ang "Jasmine Flower" na inawit ni Peng Liyuan. Dito na rin nagtatapos ang ating feature today tungkol sa aming bago at sikat na sikat na First Lady Peng Liyuan, actually, kawili-wili naman ang love story nila ni President Xi at ibabahagi ko yan sa programa natin sa susunod na Sabado.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-10 2013
Pop China Ika-9 2012
Pop China Ika-8 2013
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |