Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-16 2013

(GMT+08:00) 2013-05-06 16:13:29       CRI

Nitong mga 10 taong nakalipas, iniwan ako ng lupang-tinubuan at nag-aral sa labas, nag-alaga ng aso si nanay at bawat araw, kasama niya itong mamasyal, manood ng TV series at bumili ng kulay, ang aso na ito ay naging isang di-mahiwalay na bahagi ng pamumuhay. Isang gabi, habang natutulog si nanay, biglang ginising syla ng aso. Habang kumakahol na nagpunta sa balcony, kinakalmut-kalmot pa niya ang buhok ni nanay. Nakita ni tatay na bukas na ang bintana at nang mag-umaga, nakita pa nina tatay ang isang kutsilyo sa balcony. Mukhang may nagtangkang pumasok sa bahay, pero tumabo ito nang tahulan ng aso.

Noong opening ceremony ng 2010 London Olympics, lumitaw sa harap ng mga manonood si Queen Elizabeth kasama ang kanyang dalawang corgi. Actually, sapul nang matanggap ang kanyang kauna-unahang corgi na pinangalanang Susan bilang birthday gift noong siya ay 18 taong gulang, marami nang inaalagaang aso sa kanyang castle si Queen Elizabath at ang lahat ng mga ito ay anak ni Susan. Mahal na mahal niya ang mga aso. Kahit sa kaniyang Honey Moon, dala niya ang kanyang aso. Kaya maingat ang Reyna sa paghahanda ng pagkain ng mga aso at hinihiling niyang sariwa ang mga pagkain at tubig nito, at kung malalaman niyang kumain ang mga aso ng pagkain na ninit lang, nalulungot siya, dahil sa puso niya, mas mahalaga ang kanyang mga aso kumpara sa family members. Kung libre siya mismo ang naghahanda ng pagkain ng mga aso gamit ang pilak na kutsilyo at tinidor. Totoong cute na cute ang mga corgi, duck-legged, pero, sobrang matalino.

Pagkatapos ng kuwento ni Queen Elizabeth at kanyang mga corgi, susunod, tingan natin ang istorya ng isa pang Elizabeth- Si Elizabeth Taylor at ang kanyang love for Pekingese. Mula noong 12 taong gulang, gumanap ng papel sa pelikulang Lassie, mahigpit na ang pakikipag-ugnayan ni Ms. Taylor sa aso. Sa buong buhay niya, laging alaga niya ang di-kukulangin sa 2 aso. At para maalagaan sila nang lubos, binabago niya ang kanyang pamumuhay. Noong isang beses, kailangang pumunta si Talyor sa Britanya para magshot ng bagong pelikula, iginiit ni Ms Taylor na dalhin ang kanyang Pekingese, pero, ayon sa batas ng Britanya, kailagang tumanggap ng kalahating taong pagsusuri at quarantine ang lahat ng aso bago pumasok sa bansang ito. Para malutas ang problemang ito, naghanap si Ms. Taylor ng isang yach na nakahinto sa Thames River at sa panahon ng pagshu-shoot ng pelikula, doon muna sila tumigil ng kanyang aso-kaya, hindi kailangan ang quarantine at magkasama pa silang dalawa.

Sabi minsan ni dating American President Harry Truman, kung kailangan mo ng isang kaibigan sa Washington, dapat mag-alaga ka ng isang aso. Dahil sa kanilang espesyal na katayuan, naging espesyal ang damdain sa pagitan ng mga politican at aso. Halimbawa, Si Winston Churchill, noong pinanood niya ang Oliver Twist kasama ang kanyang aso, nang magpunta na sa tagpong, para mahinto ang pagsunod ng pulis, tinangkang lunurin ni Bill Sikes ang kanyang aso, agarang tinakpan ni Churchill ang mga mata ng kanyang aso at sinabing boy, huwag mong titingan iyan, sasabihin ko sayo kung anong nangyari mamaya. At noong ipinalabas ang iskandalo sa pagitan nina Bill Clinton at Monica Lewinsky, nasa bottom ng buhay si Bill Clinton, sinulat ni Hillary Clinton sa kanyang aklat na noong panahong iyon, na-freeze ang relasyon ni Bill Clinton sa mga kapamilya, at tanging sa asong si Bardi lamang siya nakikipag-interact.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-15 2012
Pop China Ika-14 2013
Pop China Ika-13 2013





                  More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>