Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-13 2013

(GMT+08:00) 2013-04-15 17:06:57       CRI

Nitong nagdaang dalawang episodes, tinalakay natin ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa bagong First Lady ng Tsina na si Peng Liyuan at ang love story nila ng bagong Presidente ng Tsina na si Xi Jinping. Narito po ang ilang reactions ng ating listeners: sabi ni poska: family should always be on top. it is an institution that is built through labor of love. Sabi naman ni toni: happy EASTER sa pop china at congratulations kina mr. and mrs. xi jinping for their successful trip. Sabi naman ni sol: she is going to be the most popular first lady in the world. Actually,Bukod kay Mrs Peng at ng mga asawa ng world leaders, nakita natin na sa kasalukuyan, popular na popular ang mga babaeng lider, tulad ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Pangulo ng Timog Korea na si Park Geun Hye, PM ng Thai na si Yingluck Shinawatra, PM Angela Merkel ng Aleman at PM Julia Gillard ng Australya. Nagiging mas makulay at napakagentle ng politics dahil sa kanila. Sa programa natin sa gabing ito, tingan natin ang mga powerful woman sa daigdig. Sa mundo ng music walang kapantay ang POP Princess na si - Britney Spears pakinggan natin hit na kantang Scream and Shout mula sa kanya.

Noong Martes o ika-8 ng Abril, yumao dating Punong Ministro ng Great Britain na si Margaret Hilda Thatcher sa Ritz hotel. Siya ay 87 taong gulang. Isinilang siya sa maliit na county sa isang di-sikat at mayamang pamilya. Nagpursige at walang humpay na nagsikap, dahan dahang humakbang paitaaas sa kapangyarihan sa larangan ng politika ng konserbatibong Britanya. At sa kanyang 11 taong pamumuno, ang Britanya ay naging ika-4 na pinakamalakas na bansa sa buong daigdig, kasing impluwensiyal ng Amerika. Pero, hindi alam ng nakararaming tao na sa huling yugto ng buhay ng tinaguriang Iron Lady, nagkasakit sya ng dementia, kaya't minsan ay nalilimutan na niya kung kumain na ng agahan o hindi, at bihira siyang dalawin ng dalawang anak at nananatiling nag-iisa at walang siyang natatanggap na greetings kapag birthday. Gusto kong idedicate ang kantang "Candle in the wind" para sa kanya. Idaraos ang funeral ng Iron Lady sa susunod na Miyerkules at ang antas nito ay tulad ng libing na iginawad kay Prinsesang Diana at sa ina ng kasalukuyang queen Elisabeth II. May her soul rest in peace, forever Iron Lady.

Pagkatapos ng balitang may kinalaman kay Iron Lady Margaret Thatcher, patuloy tatalakayin natin ang mga powerful women. Sa susunod na linggo na naman, dadalaw ng Tsina ang Punong Ministro ng Iceland na si Johanna Sigurdardottir, pero, ang ulat na ito ay nakatawag ng pansin ng mga internet users na Tsino hindi dahil tatagpuin niya ang bagong Pmiyer Tsino o paglalagda ng isang napakalaking halaga na Free Trade Agreement sa panig Tsino, kundi, kasama ni Johanna ang kanyang asawa na si, Jonina Leosdottir, Oo, isang lesbian ang Punong Ministro ng Iceland at siya ang unang lider na hinayag sa publiko ang kanyang tunay na sexual orientation. Actually, sa Iceland, si Johanna Sigurdardottir ay isang iginagalang na politican at noong 2010, pinagtibay ng bansa ang batas sa same-sex marriage. At sa araw na nagkabisa ang batas, sina Johanna at Jonina ang unang ikinasal at naging same-sex couple. All love should be blessed, kaya heto ang kantang Kailangang Kita na mula sa Apoy Sa Dagat Ost na inawit ni Angeline Quinto. At iyo ay dedicated kina PM Johanna at sa kanyang partner na si Jonina, sana maging masaya at unforgetable ang biyahe nila dito sa Tsina.

Sunod, ituon natin ang ating pansin sa bansa ng mga tulips at windmills – Netherlands. Sa katapusan ng Abril, magbibitiw sa tungkulin ang Queen ng Netherlanda na si Beatrix Wilhelmina Armgard, na nakaupo sa trono sa loob ng 33 taon. Si Queen Beatrix ay 75 anyos na. Sabi niya "Inisip ko lamang dapat ilipat ang bansa sa susunod na henerasyon." Siya, kasama ng Queen Elizabeth II ng Britanya at Queen Margret II ng Demark ang natitirang tatlong babaeng monarch sa daigdig. At may isang biro, noong 3 taong gulang si Prince Charles, siya ang ininominate na tanging lehitimong Crown Prince ng bansa, at mula sa panahong iyon, 61 taon na ang nagdaan, walang intensiyong magbitiw sa tungkulin si Elizabeth II at sabi ng mas media, baka direktang ilipat ng Elizabeth ang korona sa kanyang grandson o apo na si Prince Willam at buong buhay ni Charles, siya ay tatawaging Crown Prince.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-12 2013
Pop China Ika-11 2013
Pop China Ika-10 2013




                  More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>