|
||||||||
|
||
Noong isang linggo, naibahagi natin ang mga istorya na may kinalaman sa mga big name at kanilang mga aso, may Queen Elizabeth II, naghanda ng pagkain para sa kanyang mga Corgi gamit ang pilak na kutsilyo at tinidor, may Elizabeth Taylor, nanatili sa yachat nang isang buwan para maiwasan ang quarantine sa kanyang Perkiness at pagkaraang ma-freeze ang relasyon ni Bill Clinton sa mga kapamilya, tanging sa asong si Bardi lamang siya nakikipag-interact. At surprisingly, liban sa mga cute na aso, mas interesado yata ang aming mga kaibigan sa relasyon nina Bill Clinton at Lewinsky…sabi ni..
Howard:lahat ng lalaki na makakaharap ni monica lewinsky magmumukhang asong ulol na kakahul-kahol.
Vivian: dog is man's best friend-- not to those who have been injected with anti-rabbies.
Bella:in fairness, maganda naman talaga si monica lewinski.
Ok, whatever, tuwang tuwa ako na nakitang nagugustuhan ninyo ang mga kuwentong inihanda ko, bagama't only part of them…
Mukhang nag-alaga ng pet ang lahat ng US President, pero ang unang president na nag-alaga ng pusa sa White House ay Abraham Lincoln, noong 1860s, sa panahon ng civil war, one day, binisita ni Lincoln si General Ulysses Simpson Grant at sinalubong ang tatlong kuting na napawalay sa nanay sa camp area, agarang iniutos niya sa sundalo na pakainin sila, pagkaraan, halos bawat araw, binibisita niya ang mga kuting. Alam natin ang pinakamabuting kaibigan ni Bill Clinton ay asong si Bardi. Pero, bago si bardi, nag-alaga na ng pamiliya nina Clinton ang isang pusa na pinangalanang sock, dahil purong itim ang katawan ng iyong pusa, pero, may apat na puting paa, parang nakasuot ng apat na sock. Iniadopt siya ng anak na babae ni Clinton. At pagkaraang lumipat sa White House ang pamilya ni Clinton, sumikat si Sock sa mga mamamayan, lalong lalo na sa mga bata. Magkakasunod na sinulat nila kay sock at hiniling na kinuha ang kanyang sign o more exactly, kanyang paw print.
Si Isaac Newton, ang nakatuklas ng universal gravitation at lumikha ng Calculus ay isang sikat na cat lover. Iginawa niya ng espesyal na labansan-pasukan ang kanyang pusa. Isang araw, laking tuwa niya nang manganak ang kanyang pusa. Inutusan niya ang katulong niya na gumawa ng isa pang labansan-pasukan para sa mga kuting. Tuliro ang katulong at sinabing: " Bakit hindi ba puwedeng gamitin ng mga kuting ang labansan-pasukan ng kanilang nanay? Tapos, narealize ni Newton ang kamalian niya at tumawa siya nang tumawa. Isang pangyayari ang dapat banggitin. Sa ika-18 siglong Britanya kung kalian nabuhay si Newton, para sa nakararaming tao, ang pusa ay isang hayop na naglalagalag sa iba't ibang sulok ng kalye at walang-sinuman ang nag-aalaga nito bilang pet. Pero, ating dakilang siyentista ay hindi lamang nagbigay ng kanyang pagkain sa pusa, kundi ibinahagi pa ang kanyang bahay sa mga little creature. Baka, iyan ang dahilan kaya umabot ng 84 taong gulang si Newton, hindi lamang may paboritong karera kundi may isang caring at tolerant heart pa.
Sabi nila kumpara sa mga tao na nag-aalaga ng aso bilang pet, ang mga tao na nag-alaga ng pusa ay napakapasensiyoso't pasensiyosa at napakabait. Iyong mga tao na nag-aalaga ng aso ay eager to be loved, kailangan silang i-flatter, i-ingatan ng ibang tao at iyong mga tao na magustuhin sa pusa ay tao merong love, puwedeng ibahagi ang love sa ibang tao at nananatiling considerate at nag-iisip para sa ibang tao, tulad ng poet, essayist, moralist, literary critic, biographer, editor and lexicographer ng A Dictionary of the English Language na si Dr Samuel Johnson. Meron siya ng isang pusa na pinangalanang Hodge. Bagama't may katulong, si Dr Johnson mismo ang bumibili ng oyster para sa kanyang pusa. Nang tanungin kung bakit hindi niya ito ipagawa sa katulong, sinabi niya na kung magagalit ang katulong dahil nagsisilbi siya sa pusa at matakot ang pusa, kawawa naman ito.
Hanggang dito, biglang nakita ko, parang kumpara sa mga babae, mas marami ang bilang mga lalaking cat lover. Baka ang babae silang mismo ay pusa, kailangang iflatter, iingatan.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-16 2013
Pop China Ika-15 2012
Pop China Ika-14 2013
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |