Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-23 2013

(GMT+08:00) 2013-07-22 15:29:17       CRI
Madalas nating sinasabi na napaka-rough at tasteless ng pamumuhay ng maraming lalaki dahil hindi nila pinahahalagahan ang brand ng kanilang damit, lasa ng kanilang pagkain at linis ng kanilang lugar na tinitirahan, at hindi sila pumupunta sa mga brand store o mamahaling restaurant o kaya di sila nagbabayad para sa isang katulong. May ilang mga kalalakihana ang hindi magdadalawang-isip na bumili ng ilan sa kanilang mga paboritong bagay. Halimbawa, may kaibigan akong Pinoy, at hobby niya ang pagkolekta ng porcelain mug ng Starbucks. Kada Starbucks na pinupuntahan niya pwedeng hindi siya kumain pero siguradong bibili siya ng mug. Minsan gusto rin niyang bumili ng isang tasa na may pangalan ng lugar ex: Shanghai o Guangzhou. At sometimes, napakamahal ng mga ito kumpara sa kape roon. Ngayong gabi ise-share ko ang mga ganitong ugali ng mga kalalakihan. Bagama't medyo magkakaiba, ibabahagi ko sa inyo ang pinakapopular na mga bagay na gustong bilhin ng mga lalaki. Mga lalaki na kasama ko sa radyo, bato bato sa langit ang tamaan huwag magagalit. Ok Abangan niyo kung ano ang mga ito ha.

Isa sa mga pinakapopular na item na gustong bilhin ng mga lalaki ay mamahaling relo, tulad ng Tissot, Hamilton at Cartier, Super status symbol ito para sa mga hombre dahil mayroon practical use, puwedeng gamitin nang ilang henerasyon at tumaas ang halaga paglipas ng panahon, ang pagbili nito ay itinuturing matalinong choice ng mga lalaki. Investment kuung baga. Pwede ring isangla kapag kinapos .

Alam niyo ba mga friends may isang balita, gumastos ang isang guy ng 550 US dollars sa kanyang paboritong alak. Ang mga lalaki nga naman at ang kanilang bisyo. Kaya di nakapagtataka kung bakit puno ang ringside sa laban ni Pacquiao ot kaya pahirapan bumili ng tiket sa championship ng Heat vs Spurs.

Bukod dito, parang ang lahat ng lalaki ay natural born technican … pansinin ninyo ilang Apple gadgets ang pag aari nila? Bagama't patay na si Steve Jobs, nananatiling masagana ang pagbebenta ng mga tablets, phones at iba pang Apple gadgets sa mga lalaki dahil sa sobrang maraming games, music at adedemic apps. Kaya, there is no big surprise na ito ay inilista bilang pinakapopular na item na gustong bilhin ng mga lalaki. Kung papipiliin kaya --- syota o Iphone5 ano ang pipiliin ng mga guys?

Noong nasa college pa ako, nakita ko ang isang pangyayari, parang laging napakataas ng specification mga PC ng lalaking kaklase, gusto nila ang pinakamagandang sound at image effect sa panonood ng pelikula, paglaro ng electronic games at pagtugtog ng musika at noong nagpublicize ang bagong audio visual equipment, puwedeng hindi kumain, hindi matulog, magkaroon lang mga mga bagong PC.

Tiyak na ang mga ganitong klase ng mga asawa ay nakakatawag ng malaking complain mula sa kanyang asawa. Pero, ang susunod na gastos, I bet, hindi magrereklamo ang mga babae. That is, ang paggastos ng lalaki sa dates and relationship. Basically speaking, gustong magbayad ng lalaki para sa mga tao na minamahal nila. At sigurong ito ang katangiang nagpapaibig sa mga kababaihan. Super kilig kapag nagbayad ang lalaki para sa hapunan at film tiket kapag nasa date. At sa kasalan, ilang bouquet of flowers at jewelry, dress and handbag ay makatulong sa mga lalaki para sila ay maabsuwelto sa sermon dahil sa hilig manood ng basketball game at pagbili ng bagong audio visual equipment.

Nabanggit natin ang basketball games, mahilig na mahilig ang lalaki sa sports at mayroon maraming paraan para maubos ang kanilang pera sa isports na ito. Kung may pagkakataon, tiyak na gustong bilhin ang season tiket, playoff tiket at mapanood ang kanilang beloved games sa stadium at kung walang sapat na datung, bibili na lang ng beer at fried chicken, crisps at popcorn at manonood ng live TV boardcast. At ayon sa isang poll, ang karaniwang bilang ng pera na ginagastos ng lalaki sa Sports ay lumampas sa 2000 US Dollars. At kung gustong nilang pumusta sa laro, tiyak na mas lalaki ang gastos nila.

Bagama't ikinasisiya ng ilang lalaki ang gambling sa pagitan ng mga kaibigan, nalaman din nating may maraming lalaki na madalas na dinadalaw ang malaking casino at nalalagasan ng ilang libo bawat taon. At bukod ng sports, gambling, ano ang pinakamalaking pinagkakagastusan ng ng isang lalaki? The answer ay walang iba, kundi ay MOTORSIKLO. No matter kung ikaw ay mayaman, mayroon Ferrari, Ducati, BMW o may-ari lang ng isang tricycle. Ang motorsiklo talagang pinagkakagastusan ng mga lalaki. Hmm toys for the big boys ika nga.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-22 2013
Pop China Ika-21 2012
Pop China Ika-20 2013









                  More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>