Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-25 2013

(GMT+08:00) 2013-07-22 16:15:14       CRI
Napaka-interesting ng paglalakbay sa iba't ibang lugar lalo na kung marunong kayong magmaneho at puwedeng umarkila ng isang kotse, tapos, puwedeng maging napakaginhawa at malaya ang biyahe ninyo na parang nasa sarili ninyong lugar. Pero, ang isang bagay na dapat pansinin ay, dahil walang sapat na espasyo sa karamihan ng kalunsuran para sa parking, baka salubungin kayo ng nakapagtatakang gastos ng parking kahit pansamantalang gumamit kayo ng isang mallit na espasyo lamang. Halimbawa, ang kompanya ng aking asawa ay napakalapit sa Tian'an men square, center of Beijing, at one day, dahil nalimutan ang ilang bagay sa opisina, sa halip na magparada ng kotse sa parking lot ng kanyang kompanya sa underground, pinili niyang pansamantalang magparada ng kotse sa isang parking lot sa roadside. Mga dalawang oras pagkaraan, noong gusto na niyang umalis, sinisingil siya ng 30 yuan RMB o halos 200 pesos para sa parking. Siguro, a piece of cake lamang ang presyong ito kumpara sa mga lunsod na lilitaw sa ating "Top 10" series programa para sa gabi ito na Top 10 Most Expensive Cities to Valet Your Car. OK, welcome aboard at pls keep your seat belt fastened at here we go~

Ang unang istasyon ng ating exploration sa gabing ito ay Copenhagen. Bilang ika-10 lunsod na pinakamataas ang parking fee, ito ang itinuturing na isa sa mga pinaka-eco-friendly na lunsod. Karamihan sa mga residente rito ay nagbibisikleta lang kung lumalabas ng bahay hindi dahil sa maliit ang lunsod kundi sobra sa mahal ang parking fee, umaabot sa halos 17 dollars per day. Ang susunod na lunsod sa ating name list ay New York. Alam nating napakataas ng standard of living sa lunsod na ito dahil ang bawat cent ay ginagamit sa pamumuhunan. At kung gusto ninyong magparada ng kotse sa gigantic skyscrapers, dapat kayong magbayad ng 18 USD bawat araw. Fortunately, maraming taksi. Bilang puwerto ng Europeo sa pag-aangkat ng cucumbers at bananas, ang Brussels ay paradise ng mga vegetarian pero di-paboritong lugar ng mga motorista. Ang parking rate dito ay mataas ng kaunti sa New York, umaabot sa halos 18.5 USD bawat araw. 

Malawak at kasingpopulus tulad ng Australya, may dalawang lunsod nito ang inilista sa Top 10 na lunsod na pinakamahal ang parking, at ang mga ito ay ang Perth at Sidney. Dapat magdalawang-isip ang mga motorista bago magparada ng kanilang kotse sa nasabing lugar unless sila ay mga kamag-anakan ni Lucio C.Tan o Henry Sy…na maraming bread. At ito ay dahil kailangang magbayad sila ng 19 hanggang halos 20 USD bawat araw. Habang ang Australya ay blessed with malawak na espasyo para sa parking, ang Switzerland has jagged peaks kung saan ay hindi isang ideal na lugar para sa parking. Para makita ang kilalang St Peterskirche Church o Bahnhofstrasse St, kailangang magbayad kayo ng 20.5 USD bawat araw. At kung gusto ninyong lubos na maranasan ang kagandahan ng Roma, dapat kayong magsuot ng isang maginhawang rubber shoes para sa pamamasyal, Pantheon, Coliseum, Vatican Museums, ang lahat ng lugar dapat mapanood nang dahan-dahan at by the way, ang gastos ng parking dito ay 21 USD Bawat araw.

Tapos, punta tayo sa Top 3 Most Expensive Cities to Valet Your Car. Guess natin kung sa aling lugar gustong pumunta sa trabaho ang mga mamamayan sa pamamagitan ng subway o bus at ihinto ang kanilang kotse sa garage sa bahay? Give you a hint? Dalawa sa Asya at isa sa Europa. Malaki ang populasyon, pero, maikli ang lugar, financial center, mataas ang kita ng mga mamamayan…meron ba kayong sagot? Sila ay ang…Tokyo, Hong Kong at London. Bilang isa sa mga pinakamalaking automaker, may-ari ng di-kukulangin sa isang kotse ang karamihan sa mga tao at can you imagine, 13 milyong tao ang sumasakay ng kotse at tumatakbo sa kalye? Kaya, hindi katakataka na umabot sa 22 USD ang parking fee dito bawat araw. At sa HongKong naman, ang 25 USD bawat araw na parking fee ay lubos na nagpapakita ng kanyang kakulangan sa lugar sa espasyo. Sa bandang huli, nalaman ko ang yaman ni Beckham at Victoria. dahil kailangang magbayad sila ng 12000 USD bawat taon o 31.4 USD bawat araw para sa parking ng isang kotse lamang at mayroon silang 29…

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service".

Pop China Ika-24 2013
Pop China Ika-23 2013
Pop China Ika-22 2013



                  More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>