|
||||||||
|
||
Mula ilang peso hanggang ilang milyong peso, mula plastic, nux lether hanggang gold, stone, mga kaibigang babae, alam ba ninyo kung how many accessories do you have? Sa ilang lugar na tulad ng Dubai, gustong bilhin ng mga babae ang mabigat na gintong ornament para sa pang-araw-araw na gamit. At sa bansang tulad ng Amerika at Great Britain, paborito ng mga babae ang earrings, junk bracelet nose pins at diamond rings.
At tulad ng mga lalaki, mahilig naman ang mga babae sa pagbili ng smart phones na puwedeng i-organize ang mga pulong, pagde-date at kaarawan. Bukod dito, gustong gusto nilang bumili ng cute o bling-bling na cover at earphones para sa kanilang cellphone at madalas na palitan ayon sa okasyon, mood at kulay ng kanilang damit.
At gustong gustong pa ring ipahayag ng mga babae ang kanyang love for life sa pamamagitan ng pagpapaganda ng bahay nila sa tulong ng mga malaki o maliit na home accessories. Halimbawa, bristish bed sheets, Chinese table covers o kung anu-anong abubot na puwedeng makapagpaganda ng pakiramdam. Kaya nyo bang magmahal ng babaeng madalas na palitan ang decorations sa bahay?
Kung hindi nagugustuhan ang pagluluto, how can a woman say na siya ay isang kuwalipikadong punong-abala. Ang cookware ay isang napakaimportanteng bahagi sa shopping list ng mga babae. Mula sa mumurahing kobyertos hanggang medyo mahal na pot set, pero itinatago lang naman para sa espesyal na okasyon. Kung siguradong magagamit ito sa future, bili na agad!
Bukod ng kitchen, ang bathroom naman, ay isa pang pribadong teritoryo ng babae, gustong gustong nilang bumili ng iba't ibang loofahs, moisturizers, skin toning moisturizers, shampoos, shower gels, fragrant oils and different type of conditioners para mapanatiling glowing and radiant ang kanilang balat at mag-enjoy ng munting pribadong panahon matapos ang isang nakakapagod na araw sa trabaho at paggawa ng domestic duties o housework.
Speaking of domestic duties, matagal ko ng di naikukuwento ang aking baby girl, 14 na buwan na siya at mahilig siya sa pagbabasa. Kamakailan, kapag medyo sinusumpong agad siyang napapangiti pagkaraang makinig sa isang kwento mula sa libro. Ayon sa isang study, kumpara sa lalaki, totoong interesado ang babae sa pagbabasa. Nananatiling emotional and sensitive ang mga aklat na napakapopular sa pagitan ng mga babae at laging punong puno ng romantic classic or chick flick sa mga ito.
Kayo nakikinig sa China Radio International, sa programang Pop China pakinggan natin ang long time no hear na si Avil Lavin at ang kanyang kantang Here's To Never Growing Up. Bukod sa mga libro, sigurong walang item ang mas importante pa sa appearance ng mga babae. Ang natitirang top 4 items sa shopping list ng mga babae ay may kinalaman sa panlabas na kaunyaan o appearance. Ito ay kinabibilangan ng Discounted Dresses, Clothes, Bags at Sandals. Alam ba ninyo kung sinong iniisip ko matapos ang Top 10? Siyempre, si Madam Imelda R. Marcos at ang kanyang 100 kilogram na jewelry at 3 libong pares ng sapatos. Actually, siya ay isang kinatawan ng mga babae lamang, ayon sa isang survey, ang pera na inilalaan ng babae sa clothes, bag at sandals sa buong buhay nila, sa karaniwan, ay umaabot sa 25,000 USD.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"