|
||||||||
|
||
popchina
|
Pagpasok ng Hulyo, medyo boring. Walang bakasyong pampubliko. Walang anumang kapistaha. At kung mababanggit ang kapistahan, ang pinaka-maagang record ng kapistahan ay iyong sa sinaunang Ehipto, taong 2700AD o mahigit 4700 taong nakalipas. Idinaraos noon ng mga mamamayan ng Ehipto ang malaking parade at pagpapalitan ng regalo bilang pagdiriwang sa pagdating ng fertile na lupang dala ng regular na outpouring ng Ilog Nile. At sa kasalukuyan, hindi na ipinagdiriwang ng mga mamamayan ang good harvest, at ang kapistahan ay nagsisilbing isang pagkakataon para sa family reunion, pagsalu-salo ng magkakaibigan at pagpapakita ng katapatan sa relihiyon. At para sa mga turista, ito ang pinakamaganda namang pagkakataon para lubos na maranasan ang kultura at kaugalian ng isang nasyon. Ngayong gabi, sa ating bagong episode ng Top 10 Series, welcome kayong sumama sa akin at tingnan ang Top 10 must-see festivals sa buong daigdig.
Ang unang istasyon para sa top 10 must-see festivals sa gabing ito ay Alemanya. Ipinagmamalaki ng mga Aleman ang kanilang beer at ang pinakasikat nilang Beer festival ay iyong Oktoberfest na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre. Ito ay tumatagal ng 3 linggo. Bawat taon, mga 5 milyong tao mula sa iba't ibang lugar ang nagpapakalunod sa iba't ibang uri ng German premium beer kasama ng iba't ibang sausages na may potato pancakes at roasted pork. Ang ikasiyam na must-see festival ay ang Holi Festival or the Color Throwing Festival of India. Kung bibisita kayo sa Indya sa buwan ng Marso, makikita ninyong sa pagsisimla ng pagsisindi ng bonfire, maghahagis doon ng colored powder ang mga Hindus at Sikhs at magbubuhusan sila ng tubig sa isa't isa. Ang kapistahang ito ay bilang paggunita ay God Vishnu kung sino ay sinunog ng kanyang tatay dahil sa kanyang belief. Tapos, punta tayo sa Serbia at kasiyahan ang alternative music na handog ng EXIT NOVI SAD-pinakasikat at pinakamagaling music festival sa Europa. Bagama't medyo mahal ang tiket, makakapanood naman kayo ng first class na performance na hatid ng mga bandang tulad ng Guns N'Roses, Duran Duran、New Order, etc. Bukod dito, ang pangunahing stage nito ay nasa tabi ng Ilog Danube at ang background ay Petrovaradin castle.
Speaking of music festival, bukod sa Exit Novisad, hindi dapat makalimutan ang Reggae Sumfest sa Jamaica at Big Chill sa UK. Kabilang dito, kasisimula lang ng 2013 Reggae Sumfest ngayong araw sa Montego Bay. Sa saliw ng sweet music na kino-complement ng atomosperang tropikal at ng mga masarap na Red Stripe beer and jerk chicken, sumasayaw ang mga kalahok buong araw at gabi. Puwede ring mapanood ang regular performances nina Sean Paul and Beenie man. Pagkaraang maramdaman ang passionate reggae, ilampung araw na ang nakararaan, sa Herefordshire ng Britanya, sasalubungin ng music fans ang Big Chill music festival. Bukod sa de-kalidad na musika at sayaw, idinaraos din dito ang maraming aktibidad; halimbawa, noong isang taon, nakaakit ito ng 4026 tao para gumanap ng Zombies at nalikha nito ang bagong Guinness World Record. Dahil naniniwalang hindi totoong patay ang kaibigan o kamag-anakan na anila ay pumunta lang sa isang espesyal na resting place, sa halip na umiyak, gumagawa ang mga Mexican ng skull-shaped candy na may nakasulat na pangalan ng kanilang kaibigan o kamag-anak at kumakain bilang pagdiriwang sa kanilang Araw ng Mga Patay. At parang Hollyween sa Amerika, nakasuot ang mga bata ng iba't ibang costume ng ghost and monster at idinaraos ang parade sa kalye. Ok, kasama ng classic hits girls na ibinibigay ni Beenie Man, have a little rest, babalik ako may- maya.
Ang ikaapat sa "top 10 must-see-festival ay very, very famous at madalas na makita ang mga may kinalamang balita sa TV screens. Ang mga ito ay…La Tomatina na idinaraos sa Bunol sa last Wednesday ng Agosto bawat taon. Mapapanood dito ang paglalabanan ng mga lalaki at babae na nakasuot ng swimming shorts at goggles, at ang tanging sandata ay kamatis. Ang ikatlong top festival ay isang performing art, ang Burning Man festival na idaraos sa huling dako ng buwang ito sa Nevada. Sa 8 araw na pagdaraos ng nasabing music, dance and art festival, biglang nagiging isang masaganang lunsod ang dating sparsely populated na disyerto. Walang tindahan. Kailangang dalhin ng mga kalahok ang lahat ng pang-araw-araw na gamit na kinabibilangan ng tent, tubig at pagkain. Puwede rin silang makipagpalitan sa ibang tao kung gusto nila. Ang ikalawa at una sa aming listahan ng must-see festival ay walang iba, kundi ang…mayroon bang sagot? Chinese Spring Festival at Rio Carnival sa Brazil. Actually, naiisip ko, hinggil sa kung ano ang pinakamagandang kapistahan, walang iisang sagot ang mga tao. Halimbawa, saganang akin, pagkaraang may baby, ang mother's day at birthday ng aking baby girl ang siya ngayong pinakamagandang kapistahan.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service".