Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-27 2013

(GMT+08:00) 2013-07-29 16:34:50       CRI


Unang una, tsismis muna… Noong Lunes, isinilang ang bagong prince ng UK, at, bago raw ito ipinanganak, maalinsangang maalinsangan sa London. Pero, noong araw daw na ipinanganak ito, bigla raw kumidlat at nagsimulang umulan. Ang prince ay pinangalanang George Alexander Louis at ang kanyang mapapangasawa raw ay dapat pangalanang Armani Mcqueen Vitton, at silang dalawa ay magiging Mr and Mrs George Amani Alexander Mcqueen Louis Vitton. Maluluhong pangalan, ha? Ok, balik sa programa natin. Nang mabanggit ang trabaho na mataas ang kita, baka, agarang iniisip ninyo ang iyong mga tao tulad ni KC sa show biz or Manny sa sports area. Pero, sa katotohanan, hindi malaki ang kita ng lahat ng entertainer at sportsman at sa ating "Top 10" series programa para sa gabi ito, titingnan natin ang mga trabaho na pinakamataas ang kita sa tabi ng katawan natin para sa taong 2013. Ok. Sa saliw ng kantang "Prinsesa" ni James Hsiao, simulan natin ang biyahe natin para sa perpektong trabaho.

Mataas ang kita, mataas ang responsbilidad. Ang ika-10 trabaho na pinakamataas ang kita ay natural science manager. Sila ang inaasahang magpapatunay sa iba't ibang pananaliksik sa iba't ibang larangan tulad ng agrikultura, siyensiya, etc. Laging nagtatrabaho sila para sa malaking kompanya, organisasyon o sa pamahalaan at puwedeng umabot sa 100 libong US Dollars ang kabuuang kita nila bawat taon. At kung magkakaroon naman ng problema ang isang produkto, magiging abalang abalang ang mga marketing manager para mapanatili ang positibong imahe ng kanilang produkto. Dapat makipag-interact sila sa awtoridad, mga organisasyon at media. Bukod dito, kailangang walang humpay na mag-isip sila ng mga bago at epektibong paraan ng promosyon. Kung ganoon, sisiw kung kikita lang sila ng mahigit 100 libong USD, di ba? Susunod, tingan natin kung gaano kalaki ang kita ni Edward Joseph Snowden bilang isang Computer and Information Systems Manager. May mayamang karanasan sa IT Security, web development, software developmentm etc., kabisadung-kabisado ni Snowden ang masalimuot na detalyang may kinalaman sa IT—kasama na iyong sa privacy. Ang karaniwang kita ng isang computer and information systems manager ay di-kukulangin sa 100 libong dolyares. At bilang isang beteranong worker, tiyak na higit pa rito ang kinikita ni Snowden. Kantang Lighters (The One) -Gabz, dedicated kay Snowden, malaki ang kita at guwapo. Pero, what a pity, kailangang magtago siya buong araw at gabi.

Kasunod ng pagiging masagana ng industriya ng airlines, ilang trabaho sa loob at labas ng eroplano ang nakatanggap na mainit na pagtanggap sa pagitan ng mga kabataan. Pero, tatalakayin natin hindi ang magagandang stewardess o seryosong custom officer, kundi ang Air Traffic Controller at airline police. Ang mga ito ay puwedeng kumita ng mahigit 130 hanggang 135 libong USD bawat taon. But, at the same time, kailangang magkaroon sila ng kaalaman sa meterology, mechanic, mathematics, radio, etc., dahil ang isang maliliit na kamailan ay puwedeng magdulot ng malalaking kapinsalaan—at maging ng pagkawala ng buhay. Talagang mabigat ang stress na nararanasan nila. Ang ika-5 highest paying job ay ang trabaho ng lawyer. Bagama't lagi nating ipinagdarasal na sana ay hindi tayo mangailangan ng serbisyo ng abugado, may mga pangyayari talagang hindi maiiwasan at talagang wala tayong choice kundi kumuha ng abogado. Siguro, nagtatrabaho sila hindi lamang para magtanggol ng kapuwa kundi para rin sa datung. Puwede silang kumita ng 130 libong USD bawat taon. Kung mayroon akong ganun karaming pera, tiyak na magta-travel ako sa buong daigdig at ang unang istasyon ko ay…Pilipinas—siguro…

Pagkaraang mapakinggan ang kantang "Piliin Ang Pilipinas" ni Angeline Quinto, last but not least, titingan natin ang top 4 highest paying jobs. Isang matagumpay na produkto, hindi lang nangangailangan ng masipag na pananaliksik ng natural science manager at mabisang promosyon ng marketing manager, kundi maging ng malikhaing decision making sa paggagalugad, disenyo at produksyon; kaya, napakaimportante ng tungkulin ng Engineering Manager na namamahala sa lahat ng aspekto ng isang produkto at ng CEOs, na namamahala sa pagpili ng mga manager at pagtatakda ng regulasyon para maigarantiya ang matagumpay na takbo ng buong kompanya. Sila, puwedeng kumita ng 140 libong USD bawat taon-- depende sa laki ng kompanyang pinagtatrabahuhan nila. Alam natin na ang lahat ng trabahong may kinalaman sa medisina ay puwedeng kumita nang malaki. Kabilang dito, pinakamataas ang kita ng mga detentist at Surgeon bagama't kailangang mag-aral nang higit pang mahabang panahon kumpara sa iba pang karera. Pero, kapag gumradywet naman, generally speaking, hindi kailangang mag-alala na mawawalan ng trabaho. Kahit hindi pumasok sa malaking ospital, puwede silang magbukas ng isang private clinic at kumita ng 138 hanggang 150 libong USD bawat taon.

Up to this point, nakikita ko na walang DJ, reporter, editor o translator sa naturang namelist, palatandaan na hindi ako yayaman kung ipagpapatuloy ko ang ksalukuyang trabaho ko...

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service".

Pop China Ika-26 2013
Pop China Ika-25 2013
Pop China Ika-24 2013



                  More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>