Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-30 2013

(GMT+08:00) 2013-08-20 17:49:20       CRI

 Noong nagdaang episode, tinalakay natin ang Top 10 Things To Do in the Philippines na inilista ng isang dayuhang tour website, at napakainsteresting at critical ang ilang koment: Howard:tourist attraction din natin ang local fiestas. maraming turista ang dumadayo sa iba't ibang parte ng philippines para sa mga celebration na ito. Ebeth:tama kayo. maraming piyesta d2 sa pinas at ang kadalasang ipinagdiriwang ay ang kanilang mga Patron. Lyn:maraming maga2ndang lugar sa pinas na worth seeing pero hindi lang napopromote mabuti. Puro hindi magaganda kasi ipinakikita sa media, eh. Lucas Baclagon: marami ngang pinoy na nakalibot na sa buong mundo pero wala pang nararating kahit isang lugar sa pinas. Ronnalyn: hindi lahat ng pilipino alam iyan. magtataka ka nga kung minsan parang hindi nila kabisado mga probinsiya sa pinas.

Maraming salamat sa mga koment, Please keep them coming. Importanteng importante ang mga ito para kay Sissi.

Tulad ng dati, sa gabing ito, sa bagong episode ng Top 10 Series program, titingan natin ang Top 10 na Pinakamagagaling na Lunsod sa Philippines na pinili ng mga netizen mula sa loob at labas ng Pilipinas, Kung ano ang mga ito at nasa list ba ang inyong hometown, huwag magmadali, iri-reveal natin one by one.

Ang ika-10 lunsod sa name list na nakuha ko ay Legazpi City. Dahil sa kanyang kumpletong transportasyong panlupa, panghimpapawid at pandagat, ang Legazpi ay tinatawag na Gateway to the Bichol Region. At sabi ng isang taga-legazpi: We have Mt. Mayon, Cagsawa Ruins, Ligñon Hill, Embarcadero, and we also have a new and cleaner bus terminal. We have no smoking policy. We are also currently reducing the use of plastic. Legazpi is indeed the most beautiful and peaceful city in Region V. The heart and soul of Bicolandia! Tapos, kung gustong maranasan ang istilong Espanyol sa Asya, puwedeng pumunta sa ika-9 na lunsod-- ang Zamboanga-- at mag-aral ng kanyang katangin-tanging Chayacano na binubuo ng 60% na salitang Espanyol at 40 salitang lokal. Habang nagta-travel sa kalyeng punung-puno ng impraistruktura at gusaling may disenyong Espanyol, huwag kalimutang lasapin ang tanging "pink beach" sa Pilipinas. Ang ika-8 na lunsod, to my surprise, akala ko ay nasa mas mataas na puwesto, ay ang Quezon City. Ito ang pinakamalaki at pinakamayamang lunsod sa NCR at maraming opportunities at napakaliwanag ng future.

Ang ika-7 pinakamagaling na city sa aking listahan ay ang Tuna Capital of the Phils- General Santos. Walang bagyo at napaka-pleasant ng panahon, hindi mahaba ang kasaysayan ng GenSan, kaya, walang polusyon, smog, trapiko, well-planned ang mga impraistruktura at napakababa ng crime rate at standard of living. Bukod dito, ito ang lupang-tinubuan ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao at ngayon, ito ang tinatawag na THE HOME OF THE CHAMPIONS! Ang susunod, Cagayan de Oro. Bilang melting pot ng Mindanao, maraming lugar sa Cagayan de Oro na dapat bisitahin, Mula nature adventures hanggang mall shopping, night life, at sigurong mga mapagkaibigang Cagayanons, na gaya ng nakasulat sa kanyang city seal- "City of Golden Friendship" o Dakbayan sa Bulawanong Panaghigala sa Cebuano. Ang ika-5 best city in the Philippines ay Bacolod City. The City Of Smiles! Home of the Masskara Festival at Sugar Bowl Of The Philippines! Piniling Best Place to Live sa Pilipinas ng MoneySense Magazine, Most Promising City of the Philippines. Sinabi minsan ni Tourism Advocate Carlos Celdran na ang Bacolod City ay Best Kept Tourism Secret ng Philippines!Ito ay lugar na we should not miss. It's a city we can not stop loving.

Ang ika-4 na pinakamagaling na lunsod sa Philippines ay Davao, kung hindi kayo sang-ayon, dapat tingan ninyo ang mga bagay na ipinagmamalaki ng mga Davaoenos, DURIAN- King of all fruits, Philippine eagle-national bird, mt. apo-highest mountain peak in the Philippines, kadayawan-king of all festivals, at waling-waling-National Flower, Oh ano pa? Pinakamalinis na tubig sa buong bansa, matapat na taxi drivers, 911 Rescuers, at IBM's Smart City. Ang susunod ay Makati City. Tinatawag na New York City ng Philippines, nakaaakit ito ng maraming kompanyang dayuhan, at pinipili rin ng maraming multinational at global organization na magbukas ng branch offices dito. Tapos, punta tayo sa second runner-up, ang City of Love... Home of the sweetest Filipinos! Iloilo city. Bukod sa greatest and grandest festival ng buong bansa-Dinagyang Festival, ang Iloilo mismo ay cultural heritage ng Pilipinas, hindi kailangang banggiting ito ang lupang-tinubuan ng museo, World-famous Churches at Great Architectural Designs.

Last but not least, ang winner na best city in the Philippines ay…Queen City of the South- The cradle of Christianity in Asia. First city in the Philippines to be named as ASEAN City of Culture at home ng grandest festival of Asia- Sinulog Festival, iyan ang Cebu…

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-29 2013 2013-08-12 17:32:33
v Pop China Ika-28 2013 2013-08-06 15:06:45
v Pop China Ika-27 2013 2013-07-29 16:34:50
v Pop China Ika-26 2013 2013-07-22 17:18:15
v Pop China Ika-25 2013 2013-07-22 16:15:14
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>