Kahapon lamang, nakita ko ang Filipino Edition ng "Top 10 High-paying Jobs." Ayon sa Jobstreet.com Philippines, pinakataas ang kita ng mga quality control senior manager, puwedeng umabot sa P253,000 bawat buwan sa karaniwan. Ang susunod ay iyong Logisticians, puwedeng kumita ng P220,000. Ang I.T. ay 203,000; Pharmacist, 200,000; Iyong nasa Legal Service 189,735; advertisers, 181,500; iyong nasa training and development, 180,000; corporate strategist, 177,133; iyong nasa HR, 167,250; at nasa marketing, 151,500. Day dreaming, pero, kung marami kayong pera, mga 10 billion pesos, anong gagawin ninyo? Bibili ba agad ng isang villa at BMW o magbibitiw sa tungkulin at mag-a-around the world? Kamakailan, inilista ng isang tour website ang "Top 10 Things To Do in the Philippines." Bilang isang pinoy, alam ba ninyo ang mga ito? Sa bagong episode ng Top 10 Series program para sa gabing ito, "Ang 10 Bagay na Dapat Maranasan sa Pilipinas," tingnan natin kung talagang alam na alam ninyo ang mga bagay na may kinalaman sa inyong inang-bayan, na tulad ng iniisip ninyo.
Para sa mga Bisaya, anong tourist attraction ang mairi-recommend ninyo sa mga kaibigang dayuhan? Iiisipin ba ninyo na, sakay ng isang bangka, magliwaliw na parang isang Robinson Crusoe? Gumising nang maaga, magsagwan sa malalim at asul na dagat kasama ng mga dolphin, at sa tanghaili, huminto sa isang walang-taong isla at kumain ng inihaw na isda, Pagkatapos, lumangoy sa malinis at mainit na tubig at malaman na ang pagsakay pala ng bangka ay siyang pinakamagandang paraan ng pagta-travel. Susunod, punta naman tayo sa Cebu, Kalibo at Ilo-Ilo. Siguro wala nang huhusay pa sa mga Pilipino pagdating sa pagdiriwang ng kapistahan! Mula Sinulog sa Cebu, hanggang Ati-Atihan sa Kalibo at Dinagyang Festival sa Ilo-Ilo, lampas sa 100 kapisthan ang idinaraos sa Pilipinas bawat taon. Ang ika-3 pangyayaring dapat masaksihan sa Pilipinas ay iyong tinatawag na black magic sa Siquijor. Ito ay isang kaakit-akit na topic, pero, ipinapaalala ng mga residenteng lokal na mag-iingat lang kayo dahil mayroon daw mabait at masamang sorcerers. At madalas na napapakinggan ang istoryang may kinalaman sa panggagaway. Mahirap ipaliwanag kung paanong napapagaling ang sakit.
Tumungo naman tayo sa kilalang kilalang white beach ng Boracay. Bagama't ito ay nagmimistulang lata ng sardinas 24 hours and 7 days, may pagkakataon namang makakita kayo ng isang tahimik na lugar sa 4 kilometrong haba ng beach na ito at mag-enjoy ng sunbathing kasama ng isang nagyeyelong cocktail. Pag-alis ng mataong white beach, ang susunod na istasyon natin ay Manila. Ang paglalakbay sa Maynila ay parang pagsakay sa isang time machine. Puwedeng malaman ang fascinating colonial history ng Philippines sa pamamagitan ng pagbisita sa Fort Santiago at Manila Cathedral Manila. Ang pamamasyal o pagsakay sa isang horse carriage sa mga kalye na may istilong Espanyol ay makapagbibigay sa inyo ng middle century feeling. Señoras y señores: Hola! Tapos, panoorin natin ang sikat na "Cloud 9 wave" sa Siargo Island sa lalawigang Surigao del Norte. Sapul nang unang matuklasan ng travellers noong 1980's, nakaakit na ito ng daan-daang surf enthusiasts para maranasan ang malawak at malukong tubes. Ang pinakamagandang panahon ng paglalakbay doon ay ang susunod na buwan. Ang International Surfing Contest ay idaraos sa huling linggo ng Setyembre.
Ang ika-7 pangyayaring dapat maranasan sa Pilipinas ay ang pag-akyat sa "Stairways to Heaven"-The Banaue rice terraces sa Northern Luzon. Tulad ng Great Wall ng Tsina, sinimulang gawin ito ng mga sinaunang mamamayan ng Ifugao gamit ang mga sinaunang kagamitan, at ito ang prepektong halimbawa ng irrigation and permaculture "that can make modern farming methods blush." Tapos, subukin natin ang ilang kakaiba at lasapin ang excitment ng diving. Puwedeng pumunta tayo sa ibabaw ng Coron, pagmasdan ang nakalubog na Japanese WWII supply fleet na pinabagsak ng mga Amerikano noong 1944 o pumunta sa Malapascua o Donsol kung saan mayroon isang face to face na komunikasyon sa whale sharks. Hanggang dito, hindi dapat malimutan ang ibang pang pamanang pangkalikasan ng Philippines, Mount Mayon, Pinatubo at Taal o mga volcanoes. Ang Philippines ay nasa pacific ring of fire at mayroon itong 37 volcanoes at 18 sa mga ito at buhay!
Ang No 1 na pangyayaring dapat maranasan sa Pilipinas ay ang mga tao. Mababait, mapagkaibigan, optimistiko at mahusay sa pagtugtog ng musika at sa pagkanta. Ito rin ang totoong totoo at pinakamagandang dahilan kaya nagugustuhan ko ang Philippines~