|
||||||||
|
||
popchina20130826
|
Bilang isang Pinoy, baka hindi ninyo napapansin na mayroong ilang bagay na natural na natural sa inyo, pero, napakawirdo sa mga mata ng mamamayang dayuhan. Halimbawa, ang Philippines ay isang bansang Katoliko, subalit, kapansin-pansing mainit na ipinagdiriwang ng mga Pinoy ang Miss Gay Philippines. Habang sa nakararaming lugar ng daigdig, time is money, efficiency is the name of the game: sa kabilang dako, kailangang maghintay nang ilampung minuto ang isang customer sa Yummy Angel Burger habang dahan-dahang inilalagay ng service crew ang inyong itlog at ham sa tinapay.
Sa bagong episode ng Top 10 Series program, gustong ibahagi sa inyo ni Sissi ang Top 10 Wirdong Bagay sa Pilipinas na natuklasan ni Jodi, isang babaeng Canadian na 4 na buwang nagbakasyon sa Pilipinas. Okay, tingan natin kung anong pangyayaring ang may-kinalaman sa Pinas---na you take for granted, pero, napakawirdo sa mga mata ng isang babeng dayuhan. Lilinawin ko lang po, ang mga ito ay sariling opinyon lamang Jodi.
Sa ika-10 puwesto sa listahan ng mga wiredong bagay na nakita ni Jodi sa Philppines ay isang pagkain---Eden Cheese. Ito ay ipinoprodyus ng kompanyang Kraft at ibinabalot sa palara at matingkad na asul na kahon, mga 42 Piso ang bawat bloke nito. Bilang isa sa mga unang naipakilalang cheese sa Pilipinas, ang lasa nito ay sobrang espesyal. Walang problema kahit ilang oras itong ibilad sa ilalim ng araw, ipainit sa microwave, o punit-punitin, hindi magbabago ang lasa nito, laging parang soggy, sticky plastic.
Ang isa pang wirdong bagay para kay Jodi, "hindi niya maitindihan kung bakit hindi malumanay magsalita ang mga Pinoy." Kahit sa bus, bapor, otel, o restauran, malakas magsalita ang mga Pinoy. Kung papakiusapan naman sila na kung maaari, hinaan ang kanilang boses, hihinaan naman nila ang kanilang pagsasalita, ngunit pagkaraan ng ilang minuto, muli itong babalik sa dati.
Isang pang wirdong phrase para kay Jodi ay "It's Ok." Kung tatanungin mo ang mga Pinoy kung may gusto silang anumang bagay, ang isasagot nila ay "It's Okay." Kung tatanungin naman kung gusto nilang pumunta sa isang lugar, "It's Okay." At noon namang may nabangga siyang tao sa kalye, at tinanong niya ito kung maayos ba ang kalagayan niya, ang sagot pa rin ay "It's Okay." Hindi maintindihan ni Jodi kung positibo o negatibo ang kahulugan nito. Siguro, kailangan pa niyang pag-aralan nang mas maigi ang kulturang Pilipino.
Ang ika-6 na wirdong bagay na nakita ni Jodi, dating abogado sa New York at kasalukuyang traveller, ay "napakasikat pa rin ng mga rock ballads sa Pilipinas." Sabi niya, sa Pilipinas, maari mo pa ring marinig sa mga jeepney, bus, tricycle, kalye, at almost everywhere ang mga awiting tulad ng "Total Eclipse of the Heart; Everything I Do, I Do it for You; Hello; Memories; Bed of Roses; Hero; at iba pa, na naging popular noong 1970s, 1980s o 1990s. Sabi pa niya, sa simula, maaring isipin na old-fashioned at sobrang maingay ang mga awiting ito, pero, paglipas ng ilang araw na palagi itong naririnig, baka sumabay na rin kayo sa pagkanta ng mga ito. Hmmm… baka napasabay rin sa pag-awit ng mga rock ballads si Jodi
Ika-5, "lahat halos ay may miniature version." Dahil laging nagbi-biyahe sa iba't ibang lugar si Jodi, naging gawi na niya ang kumolekta ng mga maliliit na bagay na nakita niya sa kanyang biyahe. Kaya, noong unang pumunta si Jodi sa supermarket ng Philippines, naging sobrang masaya siya nang matuklasan niya, na everything come in small sizes. Oo, everthing: mula baby powder hanggang sigarilyo, napakaginhawa nito para sa mga backpacker. Mabuti naman at may nakita si Jodi sa Pilipinas na nagustuhan niya.
Alam ko na mababait ang mga Pinoy. Pero, para kay Jodi "sobrang mapagkaibigan ang mga batang Pilipino." Sinusundan siya ng mga ito kahit saan siya magpunta. Totoong mabait ang mga Pinoy kahit ang mga bata.
Bilang isang stranger, paano ba makipagkaibigan sa Pinas? Mayroong ilang rekomendasyon si Jodi, at ito ay nagsisimula sa kapangyarihan ng Tanduay Rum. Ang isang litrong Tanduay ay mas mura kumpara sa ibang inumin, at pagkarang maubos ito, ang tahimik na gabi ay agarang nagiging karaoke sing-off.
Ang mga Pinoy ay mahilig sa tandang na manok. Para sa ilan, ito ay simbolo ng suwerte, tagumpay, lakas, sigla, at lahat ng magandang bagay. Maari ring makita ang mga simbolo ng tandang na manok sa mga bus, kotse, eroplano, at mga restauran na may-kaugnayan sa tandang na manok. Pero, para kay Jodi, ito ay kanyang mortal na kaaway. Ang mga tandang na manok kasi ang dahilan ng kanyang "sleepless nights" sa Pilipinas. Dapat siguro, sa susunod na dumalaw muli sa Pinas si Jodi, sa lunsod siya manatili para walang manok na gagambala sa kanyang pagtulog.
Last but not least- motorbike disbelief. Si Jodi ay nag-iisang naglakbay sa Philippines gamit ang motorsiklo. Sabi niya, tuwing humihinto siya upang magtanong ng direksyon, laging tinatanong ng mga Pinoy, "bakit ang tapang mo?" Sabi pa ni Jodi, sa palagay ng mga Pilipino, ang babaeng tulad niya ay dapat sumakay sa backseat, at lalake ang dapat magmaneho. Sobrang strange ito para kay Jodi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |