Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-37 2013

(GMT+08:00) 2013-10-09 15:56:14       CRI

Sa mahahabang kasaysayan, lumitaw ang maraming hari na may nakapagtatakang libangan o kagawian na tulad ni haring Gian Gastone ng Italya na lubhang tamad na palipasin ang huling bahagi ng kanyang buhay sa kama, Pero, kumpara sa ilang hari na babanggitin ni Sissi sa bagong episode ng Top 10 series, karaniwan lamang si Gian Gastone. Tingan natin ang Top 10 na Pinaka-weirdo na Hari sa Kasaysayan ng Buong Daigdig 

10. Zhengde of China Reign: 1505-1521 Sa halip na umupo sa mataas na trono at makinig sa ulat ng mga opisyal, mas interesado si Haring Zhende ng Ming dynasty ng Tsina sa pamumuhay ng mga karaniwang tao, Lagi niyang inuutusan ang kanyang mga alila na magdamit na parang karaniwang mamamayan at magpanggap na vendor at passerby, Tapos, mamamasyal siya sa kalye na parang isang karaniwang tao. At para makatugon sa kanyang hangarin bilang isang komander ng tropa, pinamunuan niya ang isang hukbo para dakpin ang isang suspek sa rehiyong panghanggahan, Pero, pagkaraang malaman niya na nadakip na pala ng isang opisyal na lokal iyong suspek, inutusan niya itong ilabas ang suspek dahil gusto niyang siya mismo ang humuli dito.

9. Friedrich Wilhelm I of Prussia Reign: 1713-1740 Namuhay noong panahong mapayapa ang kalagayan, mahilig na mahilig si Friedrich Wilhelm I ng Prussia sa aksyong military. Hinangad niya minsang magtatag ng isang tropang binubuo ng pinakamatatangkad at pinakamalalakas na sundalo. Para rito, ang matatangkad na lalaki at babae lamang ang hinihimok na magpakasal at magsilang ng anak. At para naman mapahigpit ang pangkaibigang relasyong diplomatiko, nagpapadala pa ang mga kapitbansa ng kanilang matatangkad na lalaki para sa tropa ni Friedrich Wilhelm I.

8. Ludwig II of Bavaria Reign: 1864-1886, Hindi tulad ng karamihan sa mga hari na mahilig sa masasarap na alak, magandang babae o malakas na tropa, sumikat si Ludwig II dahil sa kanyang enthusiasm sa pagtatayo ng katakatakang kastilyo sa buong bansang Bavaria. Kabilang dito, ang pinakasikat ay iyong Schloss Neuschwanstein na itinayo sa gilid ng isang talabis. At para makumpleto ang kanyang mga obra, inilaan nila ang lahat ng panahon at pera hanggang sa halos mabangkarote ang Bavaria para lamang sa kanyang libangan.

7, Charles VI of France Reign: 1380-1422, May sakit na schizophrenia, madalas na malimutan ni Charles VI ng Pransya kung sino siya. Tumatanggi siyang magpalit ng damit at maligo sa loob ng ilang buwan at there was a time na buo ang kanyang paniwala na siya ay gawa sa kristal at nangangambang mabasag, kaya, nakasuot siya ng damit na may makapal na pading at iniutos sa mga alila na huwag na huwag siyang hihipuin.

6. Qin Shi Huang of China Reign: 246 BC-221 BC (King of Qin), 221 BC-210 BC (Emperor of China) Dahil lubhang maraming tao ang namatay bago naitatag ang kanyang empire, nababahala lagi si Qin Shi Huang ng Tsina na baka mapatay din siya ng kanyang nga kaaway, kaya hindi natutulog sa isang lugar nang higit pa sa dalawang beses, at lagi siyang nagdadala ng sandata habang naglalakbay. At para maipagpatuloy ang kanyang pamamahala kahit na siya sumakabilang buhay na, iniutos niya ang pagtatatag ng mahigit 8000 man-size na terra cotta "soldiers" at isang lunsod sa kanyang libingan sa ilalim ng lupa.

5. Emperor Norton I Reign: 1859-1880 (unofficially), Noong ika-19 na siglo, sa Estados Unidos, nabangkarote at nasiraan ng bait ang isang lalaking Britaniko. Tapos, ipinatalastas niya na siya si Emperor Norton I ng E.U. at protector ng Mexico. Bagama't may mental problems, siya ay inalagaang mabuti ng mga mamamayan ng San Francisco at tinatawag pa man ding "your highness" sa publiko. Pinahintulutan din siyang kumain sa pinamagaling na restaurant at manood ng bagong opera sa pinakamabuting upuan. Nag-iisyu din siya ng salapi na malawakang tinatanggap sa mga tindahan sa lokalidad.

4. Ibrahim I of the Ottoman Empire Reign: 1640-1648, Mahilig sa babae ang karamihan sa mga hari, pero, medyo espesyal ang appetite ni Ibrahim I of the Ottoman Empire, dahil paborito niya ang mga matatabang babae, Once, iniutos niyang hanapin ang pinakamatabang babae sa buong bansa. Sa wakas, nagbalik ang utusan niya na may dalang isang 350-pound babae na may nickname na "Sugar Cube," kung sino ay naging isa sa mga paborito niyang asawa.

3. Juana I of Spain Reign: 1504-1555, Ang susunod ay isang sad love story na may kinalaman kay Queen Juana I ng Espanya at kanyang promiscuous na husband na si Philip. Malayang nag-ibigan sina Juana I at Philip; pero, hindi nagtagal, pagkaraang maputungan ng korona si Juana, nakita niyang nagkakainteres si Philip sa halos lahat ng babae sa palasyo, Dahil dito, iyong mga matatanda at pangit na babae na lamang ang pinanatili niya sa palasyo. Pagkaraang yumao si Philip dahil sa sakit, pinanatili ni Juana I na bukas ang coffin ni Philip para puwede niyang halikan ang mga paa ni Philip anywhere, anytime.

2. George III of England Reign: 1760-1820, Isang porphyria patient, nakaranas ng delusional disorder si George III sa huling bahagi ng kanyang buhay at noong isang beses, naniwala siyang nasalanta ng bagyo ang London at nagbigay ng kautusan sa opisyal na huwag magpakita o mamatay nang mahabang panahon. Isang beses naman, naniwala siyang ang asawa niya ay dapat isang babaeng nagngangalang Elizabeth Spencer at ang kanyang totoong asawa na si Queen Charlotte ay isang impostor lamang na nagtatangkang pumatay sa kanya.

1. Caligula Reign: AD 37-AD 41, Noong umakyat sa power si Caligula, siya ay 25 taong gulang lamang. Pero, siya ang pinakamarahas at pinaka-weirdo na hari sa kasaysayan. Mahilig siyang lumikha ng bagong paraan ng labis na pagpapahirap, Halimbawa, pinatahan ang nabilanggo kasama ng tamis, tapos, pakakawalan niya ang isang pulutong ng wasps. Mayroon siyang isang kaibig-ibig na kabayo na tinatawag na Incitatus, Puwedeng kumain si Incitatus sa mesa sa party ni Caligula at inaanyayahan ni Caligula ang mga panauhin sa ngalan ni Incitatus. Tapos, si Incitatus ay naging official citizen ng Rome, at naging consul at pari makaraan.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-36 2013 2013-10-02 16:44:13
v Pop China Ika-35 2013 2013-09-23 16:39:24
v Pop China Ika-34 2013 2013-09-16 17:58:56
v Pop China Ika-33 2013 2013-09-10 17:32:34
v Pop China Ika-32 2013 2013-09-03 15:32:23
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>