Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-38 2013

(GMT+08:00) 2013-10-14 17:09:55       CRI

Noong isang buwan, kasunod ni Ate Mac, nag-travel si Ernest sa Philippines. Pero, hindi katulad ng iba pang turista na nag-e-enjoy ng magagandang tanawin sa Boracay o masaganang pagdiriwang ng Kadayawan sa Davao, pinili niyang bisitahin ang mga museo sa Manila at Makati at pagmasdan ang mga antique. Pumunta siya sa Casa Manila Museum para pagmasdan ang maluluhong furniture ng mga elite na personahe ng ika-19 at ika-20 siglo at sa Marikina City Shoe Museum, para makita ang 800 pares na sapatos na inabuloy ni Imela Marcos. At sa ating Top 10 Series para sa gabing ito, titingan naman natin ang mga museo at pangako ko, katangi-tangi ang mga exbhits na inidispley sa mga ito.

Top 10 Pinakawirdong Museo sa Buong Daigdig.

10. Leeds Castle Dog Collar Museum, London- Noong ilampung taong nakalipas, noong simulan ng mga taong mag-alaga ng aso bilang bantay sa kanilang mga bahay, maaring hindi nila naisip na magiging ganito kaimportante ang katayunan ng hayop na ito sa puso natin. Bawat taon, halos 500 libong pet lover ang bumisita ng Dog Collar Museum sa Leeds Castle sa London, Britanya. Idinidispley dito ang mahigit 100 istilong dog collars na ginamit ng mga may-ari mula Medieval times hanggang Victorian Age. At ang isang bagay na hindi ninyo dapat ma-miss ay ang mga collar na ito ay may matatalas na spines-- at ito ay para mapigil ang pang-aatake ng maiilap na hayop sa aso.

9, Hair Museum of Avanos, Avanos – mula noong 3000 BC, kilala ang bayang Avanos sa gitnang Turkey dahil sa ganito kataas na kalidad na earthenware hanggang itinatag ni Chez Galip, isang mahusay na potter ang isang museo ng buhok sa isang kuweba sa ibabaw ng kanyang workshop. Liban sa floor, ang pader, kisame at iba pang lugar sa loob ng kuweba ay puno puno ng buhok mula sa 16000 babaeng nakadalaw ng museong ito kasama ng namecard na kinabibilangan ng mga nilalaman tulad ng pangalan, edad at address. At sa ganitong mabuhok na lugar, ang pinakamahalagang bagay na hindi ninyo dapat ma-miss ay ang labasan.

8. Museum of Bread Culture, Berlin-- Bagama't kumakain tayo ng tinapay araw-araw, hindi alam ng marami sa atin na umaabot sa 6 na libong taon na ang kasaysayan ng tinapay. Sa Alemanya, may isang Museum of Bread Culture. Sa pamamagitan ng mahigit 18 libong exhibits na kinabibilangan ng obra nina Salvador Dali, Many Ray at Picasso, idinispley nito ang sining ng tinapay. Pero, bagama't idinidispley ang lahat ng bagay na may kinalaman sa tinapay, hindi ka makakakita ng anumang pagkain sa loob ng museo, kaya huwag kalimutang magdala ng lunch box. At ang isang bagay na hindi ninyo dapat ma-miss ay iyong mga middle-age na pilak na lalagyan at delikadong kristal na goblet.

7 Underwear Museum- Fredericks of Hollywood-- Ang Fredericks na matatagpuan sa sa Hollywood ay isang tindahang nagbebenta ng underwear; pero, kung aakyat sa ika-2 palapag ng tindahan ito, may isang kawili-wiling museo ng mga underwear doon. Nakolekta nito ang boxing shorts na isinuot minsan si Tom Hanks sa pelikulang Forrest Gump, underwear ng lahat ng actor at actress ng pelikulang Beverly Hills at sport bra na ginamit minsan ni Phyllis Diller. Ang bagay na hindi dapat ninyong mamiss ay ang kulay purple at gintong brang isinuot minsan ni Mc Donnald. Nawala ito noong 1992 sa kaguluhan ng Los Angeles at pagkaraang mag-abuloy ang Fredericks ng 10 libong USD sa charity organization, ipinagkaloob ni Modanad ang isa pa sa Fredericks.

6. The salt and pepper shaker museum, Gatlinburg-- Bilang isang mahusay na Anthropologist, mahig na mahig si Andrea Ludden sa salt and pepper shaker. Habang sinusulat ang isang aklat na may kinalaman sa kasaysayan ng seasoning, nagtayo siya ng isang maliit na museo at idinispely ang kanyang mahigit 22 libong koleksyon ng salt and pepper shakers. Dito, makikita ninyo ang salt and pepper shakers sa lahat ng porma tulad ng maliit na bungo, Penguin, UFO at mayroon ding iba't ibang kulay. At ang bagay na hindi ninyo dapat ma-miss ay ang salt and pepper shaker sa porma ng mga celebrity na tulad ni Barack Obama at Bill gates.

5. Kunstkammer Museum of Anthropology and Ethnography –Ang kauna-unahang museo ng Rusya ay isang koleksiyon ng mga pinakawirdong bagay sa ating mundo. Nakolekta ni Emperor Peter ang isang serye ng mga nakatatakot na bagay na kinabibilangan ng deformed baby, hayop na may dalawang ulo at ulo ng patay na iprineserba sa vinegar. Mahigit 200 libong natural o artificial na bagay, sa simula, ito ay para mapawi ang pagtatakot ng mga mamamayang Ruso sa monster. Ang bagay na hindi dapat miss ninyo ay ilampung deformed na sanggol. (Gusto ko pong humingi ng paumanhin sa mga kumakain sa mga oras na ito.)

4. The Momofuku Ando Instant Ramen Museum, Ikeda--Bilang best friend ng maraming bachelors at mahirap na university students, ngayon, mayroon nang bahay na sarili ang instant noodles. Para maipaggunita si Momofuku Ando na umimbento ng ganito kamura at kaginhawang pagkain para sa mahihirap na survivor ng World War II, itinayo ng Nissin Company, isang malaking manufacturer ng instant noodles, ang museong ito noong 1999. Kawili-wili ang pagbisita dito. Puwede kayong magluto ng isang bowl ng instant noodles sa kitchen ng museo.

3. Siriraj Medical Museum-- Halloween, handa na ba kayo sa inyong costume? Sa Siriraj Medical Museum, Thailand, bawat araw ay Halloween. Pagpasok sa mueo, sasalubungin kayo ng nakangiting bungo ng founder ng museo at sa loob ng museo, makikita ninyo ang dumudugong utak, heavily damaged na binti, tiyang may malalim na sugat…at buong proseso ng pagsisilang ng baby. Ang bagay na hindi dapat ninyong ma-miss ay ang tuyong bangkay ni Si Ouey, isang kilalang murderer sa Thailand noong 1950s na pumatay ng maraming bata.

2. Sulabh Museum of Toilets- Bagama't madalas na nakakakita sa India ng mga taong nagsi-CR sa kalye, naroon ang kauna-unahang museo ng toilets sa buong daigdig. Mula gintong toilet na ginamit ng Queen Victoria hanggang super toilet na ginamit sa submarine at space craft. Ang isang bagay na dapat banggitin dito, ang lahat ng kita ng tiket ay ginagamit sa pagtatayo ng public toilets at hanggang sa kasalukuyan, naitayo na nito ang 650 libong toilest sa buong Indya.

1. Enduring Beauty Museum, Malacca- Kung gusto ninyong malaman ang paraan kung paanong maging mas maganda, dapat pumunta kayo sa Malaysia at sa ika-3 palapag ng People's Museum, makikita ninyo ang katanging tanging kagandang iginigiit ng ilang tao- body modifications. tooth-filing, tattooing, piercing, scarification at mas espesyal na maliit na paa, bilog na ulo, mahabang leeg, etc. Pagkaraang mabisita ninyo ito, tiyak na mararamdaman ninyo na magadang maganda na maging normal person. Ang bagay na hindi dapat ma-miss, naka-displey dito ang mga babaeng gustong magpahaba ng leeg sa tulong na tansong collar o magpahaba ng lower lip sa tulong ng stone plate.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-37 2013 2013-10-09 15:56:14
v Pop China Ika-36 2013 2013-10-02 16:44:13
v Pop China Ika-35 2013 2013-09-23 16:39:24
v Pop China Ika-34 2013 2013-09-16 17:58:56
v Pop China Ika-33 2013 2013-09-10 17:32:34
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>