|
||||||||
|
||
popchina20131026
|
1 Nasyonnalidad ng mga bulag: Sa sinaunang gubat sa rehiyong Madre ng Mexico, naninirahan ang isang katakatakang nasyonalidad. Bulag ang lahat ng mahigit 300 mamamayan sa lugar na ito. Pero, hindi sila ipinanganak na bulag. Mayroon silang isang pares ng maliwanag na mga mata. Bakit sila nabulag pagkaraan ng mga tatlong buwan? Pagkaraang imbestigahan ng mga siyentista, natuklasan nilang sinira ng isang parasitic worm ang nerve ng kanilang mga mata kaya sila nabulag..
2. Nasyonnalidad ng mga Pipi: coincidence or not, sa gubat ng kanlurang Bolivia sa Timog Amerika, may naninirahang isang groupo ng mga Indians na hindi makapagsalita—sa madalit sabi, pipi. Nakakapag-usap lamang sila sa tulong ng ilang simpleng body gestures. At natuklasan ng mga siyentista na napaka-weirdo ng dila ng mga mamamayang ito. Hindi makapagprodyus ng tunog kaya hindi sila puwedeng magsalita, kaya naitatag ang kanilang katangi-tanging wikang body gestures o body language.
3. Nasyonalidad na sumisipsip ng dugo: Sa isang disyerto sa Northern Guinea, naninirahan ang nasyonalidad na Maasai na nag-alaga ng kamel at iba pang hayop. May isang espesyal na kaugalian ang mga Maasai. Bihira silang kumain ng karne pero madalas na uminom ng dugo. Maingat na nahihiwa nila ang mga ugat ng mga hayop para kumuha ng dugo, kaya hindi namamatay ang mga hayop.
4. Nasyonalidad ng gabi. At sa isang island, mga 130 ang layo sa lunsod ng St Louis ng Brazil, namumuhay ang ilang daang mamamayang may pula at transparent na buhok at balat. Takot sila sa araw. Lagi silang nakasuot ng trousers, mga damit na may mahahabang manggas, sunglasses at sombrero at lumalabas lamang sila sa gabi. Ipinakikita ng pananaliksik na medikal na ito ay dahil sa pagbabago ng DNA na dulot ng pagpapakasal sa mga kamag-anakan.
5. Nasyonalidad na pinakatamad: Bumalik tayo sa Asya, sa kapitbansa nating Malaysiya. Mayroon doong isang nayon. Hindi nagtatanim o nangangaso ang mga mamamayan ng nayong iyon at nabubuhay lamang sila sa mga pagkain at pang-araw-araw na gamit na buwanang ibinibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng helicopter. Kung walang materyal na panaklolo mula sa pamahalaan, siguradong mamamatay sila at hindi sila gagawa ng paraan. Sila ang totoong pinakatamad na lahi.
6. Nasyonnalidad na may asul na dugo: Namumuhay ang nasyonalidad ng Aucanquilcha sa rehiyong bulubundukin ng Aucanquilcha ng Chile, na mga 6500 metro ang taas mula sa lebel ng dagat. At dahil sa mataas ang lugar, kulang na kulang sila sa oxygen. At dahil sa ang hemoglobin ng tao ay nagkukulay pula lamang kung sapat ang oxygen at nagkukulay asul o purple kung kulang, ang dugo ng mga Aokanjier ay nangangasul paminsan-minsan, kaya tinatawag silang katangi-tanging blue-blood men.
7. Pinakamalusog na nasyonnalidad: Sa deep valley ng Himalayas, nagtipun-tipon ang isang pinakamalusog na nasyonalidad sa buong daigdig. Mahigit 60 libo ang mga Hunzan, na malayo sa mga tagalabas na namumuhay ng normal na pamumuhay. Gulay ang pangunahing pagkain nila at bihira silang kumain ng karne. Madalas silang uminom ng gatas ng tupa at kumain ng almond at iniinom nila ang inigaw na tubig sa nagyeyelong itlog. Malusog silang lahat at umaabot sa mahigit 100 taon ang karaniwang edad. Ipinakikita ng mga pag-aaral ng ecologist na ang lihim ng kanilang mahabang buhay ay nasa mga natural na bitaminang kinakain nila, walang polusyon.
8. Pinakaseryosong nasyonalidad-ang nasyonalidad ng feida sa Sri Lanka, marahil ang pinakaseryosong nasyonalidad sa buong mundo. Hindi sila ngumingiti at hindi nila alam kung paano ngumiti. Sinubok minsan ng ilang tao na pasayahin sila sa tulong ng mga nakakatawang programa, pero, nabigo sila. Bakit hindi ngumingiti ang mga feida? Ito ay dahil walang silang nerve at function ng pagngiti. Nagbiro lamang ang diyos sa katawan ng mga feida.
9. Nasyonnalidad na nakakaramdam ng pagkahilo kapag tumuntong sa lupa: At sa malawak na rehiyong katubigan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesiya, namumuhay ang mga taong nakakaramdam ng pagkahilo kapag tumuntong sa lupa, dahil namumuhay sila sa bapor nang mahahabang panahon. Hindi sila sanay na maglakad sa lupa, kaya kapag tumuntong sa lupa, nawawalan sila ng panimbang at naglalakad na parang lasing.
10. Pinakapandak na nasyonnalidad: Sa rehiyong panghanggahan ng Congo, Jiapeng at Cameroon, namumuhay ang isang sinaunang tribo. Sila ang Pygmy, mga pinakapandak na tao sa buong daigdig. Mga 1.42 hanggang 1.45 metro lamang ang lalaki at 10 centimeter na mas mababa ang mga babae. Dahil namumuhay sa mga sinaunang gubat sa rehiyong tropikal, mabilis ang paglaki nila at maikli ang buhay, mga 30 taong gulang lamang ang karaniwang haba ng buhay at puwedeng magpakasal ang lalaki at babae pagtuntong nila ng mga 11 taong gulang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |