|
||||||||
|
||
Ang naririnig ninyo ay ang pinakamatagumpay na example ng nasabing colaborasyon- Ang "The Monster" na kaloob nina Rihana at Eminem, pagkaraang ipalabas ito noong katapusan ng taong 2012, nanatili ang kantang ito sa first place ng Billboard nang halos walong linggo at nakuha ang limang awards sa Grammy at American Music Awards. Kaya, bukod sa isang kanta na masarap pakinggan, kung collaboration ito ng sikat na artists tiyak na panalo ito at bebenta. .
Kung alam natin ang nasabing rules of the game, maiintindihan natin bakit lumitaw ang maraming duets sa katapusan ng taon. Halimbawa, sa bagong kantang "Spark The Fire", inanyayahan ni Gwen Stefani si Pharrel Willams. Pareho silang ang mentors ng ika-4 na season ng Voice of America. Si Gwen kung matatandaan ninyo, siya ang vocalist ng band na No Doubt. Samantalang si Pharrel naman ay lalo pang sumikat dahil sa naging involvement niya sa hit movie na "Minions". Kahit hindi pa man tukoy ang sales at kung mananalo ang kantang Spark the Fire ng mga awards, pwede na tayong pumusta sa magiging tagumpay ng kantang ito.
Kapag kapaskuhan, hindi pwedeng mawala ang Yuletide songs na punong puno ng pag-asa, at init ng pagmamahalan. Noong isang taon, naging popular na popular si Idina Menzel dahil sa pagkanta niya ng soundtrack ng pelikulang "Frozen" na "Let It Go", at this year, pinili niyang makipagcollabrate kay Micheal Buble para gawin ang heartwarming song for the yuletide season. Si Michael Buble ay isang specialist sa ganitong mga festive songs at siya ay galing sa Canada. Tinalo minsan ng kanyang album ng Christmas Album ni Adele na naging Best Selling album sa pamilihan.
Bukod ng kolaborasyon ng mga singers, mayroon din ilang popular na singer na gustong samantalahin ang pagkakataon para ipromote ang mga bagong singer. Naitatag kamakailan ng South Korean Singer na si JAY PARK ang kanyang sariling studio at sa ilalim nito, mayroon isang napakapromising singer na si LECO, siya ang winner ng first Hip-Hop singing contest ng Timog Korea, para tulungan ang nasabing talentong singer, aktibong nagperform si Jay Park kasama ni LECO.
Sa tingin ko, nananatiling ma-appeal at wala pa ring pagkupas ang kasikatan ng bandang Paramore ng Amerika, passionate pa rin ang melody ng kanilang kanta kasama ng powerful vocals ni Haylay Williams, you can't help but grove to their music and shake your body kapag naririnig ang kanilang kanta. Pero marami ang nagtaka kung bakit sila nakipag collaborate kay Joy Willam, isang Gospel at folk singer. Nakakapagtaka di ba?
Sa Asian Charts, popular na popular naman ang kantang SOME na kaloob nina Junggigo at miyembro ng Sistar na si SoYou. Dahil sa kasikatan ng kanta syempre marami ang gumaya! Agarang ipinalabas ng music company ang maraming katulad na duet. Kabilang dito, maririnig natin ang kantang "Erase" na kaloob nina Kim Hyo Jung at JooYeong, bagama't hindi natin alam kung kaya nilang lampasan ang popularidad ng SOME, tiyak enjoy na enjoy naman ang mga Hallyu o Korean wave fans dahil masayang pagmasdan ang nasabing grupo ng pogi at magagandang singers
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |