Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-15 2015

(GMT+08:00) 2015-05-09 14:10:32       CRI

Mula noong taong 2010, walang isang kantang nananatili sa first place ng Billboard nang mahigit 13 linggo hanggang pumasok sa taong 2015, mayroon isang kantang binago ang kalagayang ito. Iyan at walang iba kundi ang kantang Uptown Funk na kaloob ng Britanikong Musician Mark Ronson at American Pop Singer na si Bruno Mars. Lumampas sa 4 na milyong beses ang bilang ng pagdown-load nito sa mga streaming sites sa loob ng 14 na linggo at nanatili sa first place ng Billboard nang 14 linggo.

Siguro, sapul ng itinatag ang Billboard noong taong 1958, hanggang sa kasalukuyan, hindi iisa ang kantang puwedeng manatili sa first place nang 14 linggo, bukod sa "Uptown Funk", mula noong taon 1992 hanggang taong 2009, may ibang pitong kantang nilikha ng gayong magandang resulta.

Noong taong 1992, kasunod ng pagpapalabas ng pelikulang "Bodyguard", ang kantang "I Will Always Love You" ay nanatili sa first place ng Billboard nang 14 linggo, at hanggang sa kasalukuyan, ang album na "Bodyguard" ay nananatiling best selling soundtrack album sa buong daigdig at best selling album ng female singer.

Noong taong 1988, pagkaraang makita sa apat na lalaki ang napakagandang harmonya kumpara sa solo, nabuo nila ang isang groupong pinangalanang Boyz II Man. Bilang kinatawan ng mga pop music ng America noong 1990s, kinanta nila minsan sa closing ceremony ng 1997 Atlanta Olympic Games ang kantang "I'll Make Love to You". Ito ay isa sa pitong kantang nanatili sa first place ng Billboard nang pinakamahabang panahon.

Ang "Macarena" ay carrier song ng album na "Macarena" ng Kastilang Duo na Los Del Rio na sumikat noong taong 1996. Ito ang pinakamatagumpay na Latin album sa buong dagidig na nakabenta ng 10 milyong kopya sa buong daigdig at pagkaraang bumaba mula sa first place ng Billboard, nanatili pa ang kantang ito sa Billboard 100 nang 47 linggo.

Passionate, sexy, fashionable at innovative, lubos na pinatingkad ng Black Eyes Peas ng nasabing mga katangian nila sa pagkatha at pagkanta at umakyat sa first class na pop group sa Amerika. Actually, bago umakyat at nanatili sa first place nang 14 linggo sa Billboard ang kanilang kantang "I Gotta Feeling", ang dating winner ay isa pang kanta nila na "boo boo paw" at ang naturang 2 kanta nila in all ay nanatili sa first place nang 26 linggo na naging pinakamagandang resultang natamo ng group.

Bagama't 68 taong gulang, napakaexciting pa rin ng pamumuhay ni Elton John, mula noong 4 taong gulang, unang umupo sa harap ng piano, hindi na nito iniwan ang piano. Sa kanyang mahigit 40 tanong music life, mayroon siyang dalawang kanta na nanatili sa first place ng Billboard nang 14 linggo, isa ay Candle In The Wind" na espesyal na kinatha niya para kay Prinsesa Diana at isa pa ay …nonono, hindi "Can You Feel the Love Tonight" sa halip, ang kantang "Something About The Way You Look Tonight". Sobrang busi si Elton tonight.

Walang duda, si Mariah Carey ay natural na singer. Hanggang sa taong 2015, mayroon siyang 18 winning singles sa Billboard at ang kanta niyang "One Sweet Day" ay walang katulad na nananatili sa first place ng Billboard nang 16 linggo at naging isang record na naghihintay sirain ng ibang singer.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-14 2015 2015-04-30 15:51:47
v Pop China Ika-13 2015 2015-04-23 14:43:13
v Pop China Ika-12 2015 2015-04-17 19:23:03
v Pop China Ika-11 2015 2015-04-10 19:25:04
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>