Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop china ika-16 2015

(GMT+08:00) 2015-05-15 17:08:42       CRI

Noong ika-12 ng Abril, local time, idinaos sa Los Angeles ng Estados Unidos ang Ika-24 MTV Movie Awards. Bilang isang movie awards na inihandog ng pinakamalaking music TV station sa buong daigdig, hindi ito tulad ng Oscar, bagama't ang mga nominees ay pinili ng tagapag-organisa, ang winner ay pinili batay sa pagboto ng mga fans sa official website ng MTV. O ibig sabihin, ito ay isang kompetisyon ng popularidad.

Sa ano mang awarding ceremony, ang red carpet ay isang Battlefield para sa lahat ng artista, lalong lalo na para sa mga babae. Pero, medyo magkakaiba ang kalagayan sa MTV Movie Awards, binago ng tagapag-organisa ang red carpet at ginawang kulay asul, at dahil sinimulan ang seremonya sa araw, walang labis na limelight, magkakasunod na inalis ng mga star ang evening dress, nakasuot sila ng casual o fashionable clothes at ipinakikita ang kanilang kabaitan.

Ang MTV Movie Awards ay isa sa mga pinakaentertaining awards sa buong daigdig. Halimbawa, ang trophy nito ay isang bucket ng gintong popcorn, yes, popcorn, best company natin sa panonood ng pelikula, kaya ang MTV Movie Awards ay tinawag na Gintong Popcorn Awards. Ang buong awarding ceremony ay isang malaking show, muling nag-perform ang mga artista ng mga classic plot sa funny way o pagkanta ng theme song exaggeratedly. Kumpara sa award ceremony it's more like a big party ng mga movie star at kanilang mga fans.

At sa nasabing malaking party, hindi importante ang pagkakapanalo ng awards. Kung anong paraan ang mas entertaining ay naging pokus ng buong gabi. Kaya, sobrang weirdo ang pagtatakda ng mga award categories tulad Best WTF Moment,Best Comedic Performance,Best On-Screen Transformation,Best Kiss, Best Fight,Best Scared-as-S**t Performance, Best Shirtless Performance, Best Cameo at iba pa.

Sa unang listahan ng nominasyon, ang pelikulang "The Fault In Our Stars", "Neighbors" at "Guardians of the Galaxy" ay pawang nagtamo ng 7 nominasyon. Kabilang dito, umabot sa 5 bilyong dolyares ang kita ng "Guardians of the Galaxy" na naging ika-3 pelikulang natamo ang pinakamalaking box office sales at sumunod sa "Avatar" at "Titanic". Ang soundtrack album nito na inilakip ang sampung kanta na popular na popular minsan sa pagitan ng 1960s hanggang 1970s ay mainit na tinanggap sa buong dagidig.

Bukod sa "Guardians of the Galaxy", popular na popular naman ang isa pang grupo ng super heros, iyon ang "Marvel's The Avengers", nakatakdang simulang ipalabas ang "Marvel's The Avengers II" sa darating na ika-12 na Mayo sa buong daigdig, at noong isang taon, kalalabas ng unang episode, pinili nilang ilabas ang kanilang premier sa MTV Movie Awards at this year, patuloy ang kagawiang ito at si Robert Downey Jr ay nagtamo ng "generation awards" sa MTV Movie Award- something like Lifetime Achievement Award sa Oscar.

Actually, bago umakyat sa stage ang bayaning may super power, nailikha ang mircle ng mga karaniwang tao. Iyan ang Fast & Furious 7 na ginampanan nina Paul Walker at Vin Diesel, noong unang ipinalabas ito sa Tsina, isang araw lamang, lumampas na sa 400 milyong yuan RMB o mga 67 milyong dolyares ang box office sales nito na naging pinakamalaking halaga na naabot ng isang pelikulang dayuhan sa mainland Tsina. Sa award ceremony ng MTV Movie Awards, lumitaw naman si leading actor Vin Diesel at kinanta niya ang theme song ng pelikulang See U Again.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-15 2015 2015-05-09 14:10:32
v Pop China Ika-14 2015 2015-04-30 15:51:47
v Pop China Ika-13 2015 2015-04-23 14:43:13
v Pop China Ika-12 2015 2015-04-17 19:23:03
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>