|
||||||||
|
||
Ang taong 2015 ay year ni Taylor Swift, kasi parang kung mayroon anumang music awards, madirinig natin ang pangalan ni Taylor, halimbawa, sa katatapos na MTV VMA, isang awards na pinakaimportanteng pamantayan ay bilang ng record sales, sa pamamagitan ng mahigit 13 milyon, nakuha ni Taylor ang 4 na trophy at alam nating sa stage ng EMA, ang pinakamalaking elemento ng pagpapasiya ay bilang ng pagboto ng mga fans, kung puwedeng ngumiti si Taylor hanggang sa bandang huli, let's wait and see.
Tapos, bagama't pansamantalang luminsan ng sirkulong musikal nang mahigit 1 taon, ang EMA ay nananatiling home field ni Justin Bieber. Actually, kahit sa panahon ng kanyang pagpapahinga noong 2014, kinuha pa ni Bieber ang Best Male Artist Award sa EMA at noong 2013, 2012, siya ang tanging winner sa kategoryang ito. This year, kasama ng namumukod ng resulta ng kanyang bagong single "What Do You Mean", sigurong sigurong makukuha ni Biber ang di-kukulangin sa 1 trophy.
Kung sa stage ng EMA, iisa ang pagpili ng mga fans sa kategoryang Best Male Artist walang iba kundi si Justin Bieber, sa aspekto ng pinakapopular na grupo, baka iisa naman ang sagot nila – ito ay walang iba kundi ang "One Direction". Noong unang kalahating taon, bagama't naapektuhan ang paglisan ng pangunahing miyembro na si Zayn Malik, may balitang nagsasabing baka hindi kayang pananatilihin ng 1D ang nagdaang popularidad, pero, noong isang buwan, ipinalabas nila ang bagong album na "Don't Drag Me Down", sa isang bagong record na naging first place ng Itunes sa loob ng 23 minuto, nasira ng 4 na natitirang miyembro ng 1D ang pagaalala o pagdududa ng lahat ng tao.
Bukod sa mga guwapong bagong generation na super idol, isa pang elemento na nakatawag ng malaking pansin ang EMA mula sa mga fans na Tsino ay…mula noong 2011, mayroon apat na artistang Tsino na umakyat sa stage ng EMA at naging winner ng "Worldwide Act Award", this year, pumasok sa listahan ng nominasyon naman ang isa pang artistang Tsino na si Jane Zhang, unang artisang Asyano na umawit ng soundtrack para sa Hollywood film-"Terminator Genisys" at maglalaban siya kasama nina Jay Chow mula sa Taiwan, Son Tung M-TP na kinatawan ng Timog Silangang Asya, at boygroup BTS galing sa Timog Korea para sa worldwide act awards.
Dahil sa pagbalik ni Justin Bieber, baka walang pagkakataong itaas ang trophy ng "Best Male Artist Awards" ni Ed Sheeran, sa gaganaping 2015 EMA awarding night, kumpara sa pagpabalik ng trophy, mas importante ang isa pang tungkulin niya na makikipagkooperasyon sa magagandang super model na Australyano na si Ruby Rose at maging host ng awards night. Bukod dito, makikipagkooperasyon pa si Ed sa bandang Rudimental na kauna-unahang pagkakataong umakyat sa stage ng EMA at inaasahang makapagbibigay ng isang napakaexciting na performance.
Bukod ng nasabing mga big stars, sa listahan ng mga performer at awards guests, makikita ninyo ang pangalan nina Pharrell Williams, Ellie Goulding, Jason Derulo, twenty one pilots, Martin Garrix at one thing dapat banggitin dito ay paglilitaw nina Tori Kelly、James Bay、Jess Glynnena, mga miyembro na nakatawag ng malaking pansin dahil sa paglahok sa talent show na MTV PUSH. Sila ang maglalaban para sa Best New Artist Award.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |