Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-40 2015

(GMT+08:00) 2015-11-02 11:30:42       CRI

Noong Agosto, ipinatalastas ng kilalang Britanikong rock&roll band na Pink Floyd na dahil tumatanda na ang mga miyembro at patay na ang keyboardist nilang si Richard Wright, pormal na nag-disband na ang legendary group. Bilang isa sa mga pinakamatagumpay na rock and roll band sa kasaysayan, lumampas sa 200 milyong kopya ang naging benta ng album nila, kabilang dito, ang album na "The Dark Side of The Moon" ay nanatili sa Billboard nang 15 taon, mahigit 800 linggo at ang isa pang album na "The Wall" ay ginawang pelikula at naging isang milestone ng rock&roll music. Ngayong gabi, tatalakayan natin ang mga groupo o banda na sayang na sayang dahil nag-disband.

Ang unang banda na nakakahinayang at nag-disband ay Beatles. Mula noong unang patugtugin ang kanilang kauna-unahang album na "Please Please Me" hanggang ipinalabas ang pinal na album nila na "Let It Be", mula apat na masayang kabataang nag-enjoy ng paggawa ng musika hanggang naging mentor at idol ng maraming super stars, actually, sampung taon lamang ang buong music life ng Britanikong rock& roll band na Beatles. Pero, sila, walang duda, ay pinakadakilang music band sa kasayasayan na pinagsama ang "Pop" at "Art" at unang bandang Europeo na pinagsama ang oriental elements sa western music.

Tulad ng kahalagahan ng Beatles sa puso ng mga music fans na Amerikano at Europeo, nananatiling mataas ang katayuan ng bandang "Beyond" sa mga music lover na Tsino, sa pagitan ng taong 1983, hanggang 2005, ipinalabas nila ang ilang napakapopular na single tulad ng "True Love", "Lupa", "Amani" at iba pa, sayang, maagang nagpaalam ang banda pagkaraang mamatay ang leading vocal nito. Mula panahong iyon, kahit buong lakas na nagsisikap ang iba pang natitirang 3 miyembro, kailangang mag-disband ang grupo pagkaraan ng 5 taon.

Tanong! Para sa inyo, kung sino ang pinakapopular na boy's group? Baka sasagutin ninyong ito ay dapat na "One Direction". Pero, kung ikukumpara ang 1D sa grupong Westlife na sumikat noong 1990s, 1D are just little kids. Mula noong 1999 na inilabas ang kauna-unahang single na "Swear It Again", ang Westlife ay may pitong single na umakyat sa first place ng UK Chart na naging ika-3 pinakamarami sa kasaysayan ng sirkulong musikal na Britaniko. Ang first place ay Beatles at ang ika-2 ay si Elvis Presley.

Sampung taong bago lumitaw ang groupong Westlife, sa Taiwan, sumigla ang isang grupong binubuo ng tatlong lalaki. Sila ay pinili bilang TV Host ng isang entertainment program at surprisingly, natanggap nila ang mainit na pagtanggap sa mga viewers at natural na natural, nilagdaan nila ang kontrata sa music company at ipinalabas ang album na bumenta ng 200 libo sa loob ng isang buwan. Sila ang groupong "Little Tigers" na binubuo nina Nicky Wu, Chen Zhipeng at Alec Su. Hanggang sa kasalukuyan, sila ay naging simbolo at ala-ala ng henerasyon na isinilang pagkaraan ng 1980s.

Alam nating sobrang mahigpit ang tadhana at mahaba ang kontrata ang music company ng Timog Korea, at sinimulan ang kagawiang ito dahil sa isang groupo na tinatawag na H.O.T., bilang pioneers ng K-Pop Stars noong huling dako ng taong 1990s, popular na popular sila minsan, pero, pagkaraang matapos ang kontrata , pumunta sa ibang music company ang tatlong miyembro at kailangang mag-disband ang grupo. Mula sa panahong iyon, naging mahigpit na mahigpit ang mga kontrata ng music company ng T.Korea.

Ang last but not least, ang music group na talagang sayang na sayang ako at nag-disband ay ang Nirvana. Inilabas nila ang tatlong album lamang, ang lahat ng kanta ng Nirvana ay naging forever classic sa kasaysayan ng Grunge. At ang kanilang live performance sa New York ay nananatiling nag-echo sa isip ng mga music fans. Talagang di malilimutan ng mga fans, pero, sa palagay ng nakararaming tao, ang Nirvana ay si Kurt Cobain at si Kurt Cobain ay ang buong Nirvana, kaya, pagkaraang pinatay si Kurt, nawala naman ang Nirvana.

All good things come to an end, bilang isang grupo, kinaharap nila ang mas maraming problema, pero, nananatiling natatandaan natin ang magagandang music at beautiful moments na ibinigay nila.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-39 2015 2015-10-27 17:36:35
v Pop China Ika-38 2015 2015-10-21 12:14:03
v Pop China Ika-37 2015 2015-10-17 17:00:12
v Pop China Ika-36 2015 2015-10-17 16:58:26
v Pop China Ika-35 2015 2015-10-17 16:53:38
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>