Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-9 2016

(GMT+08:00) 2016-03-11 20:49:32       CRI

Itinanghal sa Dolby Theatre, Los Angeles, Amerika, ang Ika-88 Academy Awards o Oscar Awards noong Martes. At congratulations kay Leo Dicaprio na na-inominate nang 6 na beses nitong 20 taong nakalipas, sa wakas, nakatanggap na rin siya ng kanyang kauna-unahang Oscar award bilang Best Male Artist at nakita natin sa halos lahat ng litratong kinuha ng media, abot tenga at ngiti at di mapawi ang saya.

Bago idaos ang 2016 Oscars, alam natin, dahil halos walang black artist na pumasok sa nominasyon, nakatawag ang evaluation committee ng matinding protesta at pinukol ng maraming pagbatikos hinggil sa kawalang ng diversity. Ang mga mga big names tulad nina George Cloney, Whoopi Goldberg, Will Smith at iba pa. Para lutasin ang problemang ito, inanyayahan ng tagapag-organisa si Chris Rock bilang host. Ang Weeknd at sina Pharrell Williams at iba pang black artists ay nagperform. Sa kabila ng monologue ni Chris Rock para patamaan ang organizers nanatiling mababa ang viewership ratings ng Oscars.

Bukod ng lack of diversity, ang musical score at direction ng katatapos na Oscars ay nakatawag din ng malaking pagbatikos. Halimbawa nang patugtugin ang soundtrack ng "Raiders of the Lost Ark", inaasahan ng mga audience ang paglabas ni Harrison Ford pero sa halip lumitaw sa stage si Pangalawang Pangulong Joe Biden ng Amerika. At habang nagtatalumpati si Eddie Redmayne, umalog o gumalaw ang kamera kaya kailangang walang humpay na isaayos ni Eddie ang posture para makatingin sa lens.

Tapos, isa pang napaka-interesting na pangyayari ay may kinalaman kay Sam Smith, sa pamamagitan ng awiting Writings on the Wall na kasama sa soundtrack ng latest Bond flick.Matagumpay na tinalo niya si Lady Gaga at natamo ang Best Original Score at sa kanyang acceptance speech, nabanggit ni Sam na wala pang openly gay man na nakakuha ng award na ito at gusto niyang idedicate ang award sa LGBT commity sa buong daigdig. Pero major blooper ito dahil, actually, bago pa ang pagkapanalo ni Sam, nakuha na ang Oscar nina John Boston at Howard Ashman, dalawang gaymen musicians nitong 20 taong nakalipas. Bukod dito napanalunan na rin nina Dustin Lance Black ang Best Original Screenplay noong 2009 para sa Milk. Si Elton John naman ay nanalo ng Oscar noong 1995 para sa Can You Feel The Love Tonight.

Anyway, bagama't one big mess ang buong awards night ng 2016 Oscars, nakita natin ang isang napakacute na 9 year old boy, iyan si Jacob Tremblay. Si Jabob ay dumalo sa Oscars dahil kasama siya sa cast ng Room. Habang pumarada ang mga adults suot ang magandang evening gowns at maluhong jewelry, masayang masayang ipinakita ni Jacob sa media ang kanyang sock na may litrato ng Black Knight. At nang lumabas sa stage sina R2-D2, C-3PO at BB-8, agarang tumayo ang Star Wars at tinanaw ang kanyang mga idol . Cute na cute.

Papalapit na ng papalapit ang tag-init at naging hot topic sa opisina ang bodybuilding at pagbabawas ng timbang, ako naman, sinusubok kong lumakad ng mahigit 10 libong steps bawat araw para pasiglahin ang mga muscles na natulog nang buong tag-lamig. Sa Hollywood at music circle, mayroong mga artista na matagumpay na nag alis ng mga fat, naging napakaganda at napakalusog. Halimbawa, kababangit lang natin si Sam Smith, sa tulong ng nutritionist, nabawas niya ang 50 pounds sa timbang at naging isang guwapong bading 

Isang British nanaman ang figure conscious, kapansin-pansin ang bunga ng pagbabawas ng timbang ni Adele. Kung ikukumpara ang timbang niya noong unang pumasok siya sa showbiz, halos naging kalahati ang numero. In a word, sila ang idol ko sa fitness and losing weight, partikular na, kapag ako'y lumalakad at gumagawa ng warm-up, pinakikinggan ko ang hit songs nila para mas maging enjoyable ang aking buong exercise.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-8 2016 2016-03-04 18:27:04
v Pop China Ika-7 2016 2016-02-26 21:08:07
v Pop China Ika-6 2016 2016-02-19 18:26:34
v Pop China Ika-5 2016 2016-02-19 18:25:33
v Pop China Ika-4 2016 2016-02-19 18:22:48
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>