|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng balitang ito malalaman ninyo kung gaano ka sikat ang Big Bang sa Tsina. Actually, mula noong Nobyembre hanggang katatapos ng Pebrero, idinaos ng Big Bang ang 18 konsiyerto sa apat na lunsod at umabot sa 911 libo ang bilang ng mga concert goers na naging pinakamarami para sa artistang dayuhan. At sapul nang simulan ang kanilang ika-2 world music tour na "MADE", idinaos na ng Big Bang ang 66 konsiyerto sa 32 lunsod, 13 bansang kinabibilangan ng Amerika, Kanada, Mexico, Australya, Pilipinas at iba pa. Kasunod ng pagsasagawa ng kanilang music tour sa mainland Tsina, tiyak na sila ay makalilikha ng bagong record.
Alam nating ayon sa batas ng Timog Korea, magkakasunod na papasok at sisimulan ng mga miyembro ng Big Bang ang kanilang serbisyo-militar. This year si T.O.P, next year sina GD at Taeyang, tapos susunod sina Daesung at Seungri. Kaya puwedeng sabihin na sinasamantala ng mga fans ang last chance para mapanuod at suportahan ang kanilang mga idol, dahil kung gustong muling mapanood ang performance ng limang miyembro ng Big Bang, baka kailangang maghintay sila nang pitong taon.
Noong 2006, habang nasa kanilang teens pa lamang, magkakasunod na pumasok sa YG music label ang limang binata at hanggang umakyat sa stage ng YG family world music tour at naging superstars, ang limang miyembro ay nakatanggap ng 4 hanggang 8 taon ng pagsasanay sa singing, dancing, performing, composing atbp.
Noong 2011, sila ang napiling winner ng Worldwide Act sa European Music Award, sa ika-2 taon, nakatawag sila ng pansin mula sa Billboard at espesyal na inirekomend sila sa frontpage ng website. Ang lahat nito ay kauna-unahang pagkakataon para sa artistang Asyano.
Siguro, bilang kasalukuyang No 1 K-Pop Group, hindi itatakwil ng music company ang umiiral na halagang komersyal o commercial value ng grupo. At bago magserbisyo sa militar, maagang gumawa ang YG Entertainment ng perpektong plano para mapanatili ang popularidad ng Big Bang. Actually, mula noong taong 2008, sinimulang sinanay ang mga miyembro na subukin ang pagpapalabas ng solo album. kabilang dito, si Taeyang ang unang miyembro na naglabas ng sariling solo album at pinakamatagumpay sa lima. Sa tulong ng kantang "Eyes,Nose,Lips", siya ay naging Best Male Singer sa 2014 Mnet Asian Music Awards o MAMA
Kung mababanggit naman si G-Dragon, kumpara sa kanyang magaling na rap skills, namumukod na talento sa song writing, nakatawag ng mas malaking pansin ang kanyang fashion style, sa Top 10 Best Dressed Male Celebrity na pili ng GQ Magazine, si G-Dragon ay nasa ika-7 puwesto kasabay ang mga superstars ng Hollywood. At noong 2013, sa isang artikulong inilathala ng New York Times, si G-Dragon ay tinawag na Embahador ng K-Pop at sinabing mahusay niyang inihahatid ang kanyang musika sa tulong ng visual effect.
Tapos, big fan ba kayo ni TOP? Gustong gusto ko ang webdrama na "Secret Message" co-starring sa Juri Ueno. Isang eksena ang gusto ko, iyong biglang nawalan ng koryente, hiniling ni TOP kay Juri na ilagay ang isang bottle of water sa ibabaw ng ilaw ng cellphone at naging isang flash light. Maganda at romantiko ang buong scene. Sa karaniwang pamumuhay, mayroon siyang isang napakastrange na hobby, pagkolekta ng chair at sobrang dami ng chair sa kanyang bahay na naging isang museo.
2015 has been a very hectic year for Big Bang. Napakarami nilang mga activities at tiyak na sobrang pagod ang naramdaman ng limang miyembro. Kaya sabi ng ilang VIPs dito sa Tsina ... Oppa, kahit hindi kumanta at sumayaw, kahit panooring natutulog sa web magiging masaya ng lubos ang mga Chinese fans.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |