|
||||||||
|
||
Noong ika-25 ng Marso, pormal na ipinalabas ni Zayn Malik, dating miyembro ng British boy group na One Direction, ang kauna-unahang solo album na may pamagat na "Mind of Mine". Inilakip nito ang 14 na kanta at pangunahing kantang Pillow Talk na unang ipinalabas noong ika-20 ng Enero ay umakyat sa first place ng mga music chart sa Amerika, Australya, Britanya, Ireland at iba pa. Pero, walang sorpresa, dahil tinanggap niya ang malaking pagkatig mula sa mga fans.
Actually, ang pagiging solo artist ni Zayn Malik ay isang natural na pangyayari. Bilang pinakakompetitibong miyembro sa 1D, it was just a matter of time bago niya lisanin ang grupo. At ang pagiging solo ay unang hakbang niya lamang patungo sa tugatog ng kanyang music career. Kaya, kinaya niyang ipalabas ang solo album ilang buwan lamang pagkaraang umalis mula sa grupo.
Sa karaniwan, ang paging solo ng isang singer ay hindi ibig sabihing simpleng pag-alis sa dating grupo, kundi maghahanap ng komprehensibong pag-uupgrade ng sariling imahe. Pero, nakita natin, sa bagong album, pinili ni Zayn na completely magpaalam sa dating istilong Pop Rock na napakahusay ng 1D, at pinili ang R&B, Alternative R&B at Pop. Siguro, hindi biro ang pagiging solo at napakasiryoso ni Zayn, pero dahil kulang pa ang karanasan at pagka-unawa sa R&B music, si Malik ay naging tulad ng isang baby, masigla, maganda pero, immature pa.
Dito, gusto kong irekomend ang dalawang good models sa aspekto ng pagiging solo, baka may matutunan si Zayn Malik mula sa kanila. Noong 2000, lumampas sa 20 milyong kopya ang benta ng bagong album na "No Strings Attached" ng N Sync, tapos nito iginiit ni Justin Timberlake na lumisan at maging solo. Pero, sa kanyang kauna-unahang sariling album, sa halip na magpalit ng music style, ginamit ni Justin ang dating istilo ng N Sync, kahit sinulat niya ang Grammy wining song na Cry Me A River sa sariling istilo, hindi completely na itinakwil niya ang N Sync Style.
Para kay Beyonce naman, bilang dating miyembro ng Grammy Best R&B group na Destiny's Child, noong 2003, ipinalabas niya ang kauna-unahang solo album na《Dangerously in Love》at sinubok din niya ang Hip Hop, uptempo, slow jam funk at iba pa, pero, ang pangunahing kanta na "Crazy in Love" ay nananatiling kanyang pinakamahusay na R&B style. At sa tulong ng album na ito, siya ay naging winner ng Best R&B album, Best R&B singer, Best R&B single at dalawang iba pang award na naging daan sa matatag na landas para sa kanyang solo development.
To sum it up, dahil sa maling positioning, kompletong pag-alis sa dating istilo, tinalikuran ni Zyan Malik ang mga matapat na fans niya na nagustuhan ang music style ng 1D. Bilang isang idol, ang mga fans ay dapat maging nukleo ng kanyang karera, at kung mawala ang pansin at suporta nila, alam na natin ang mangyayari, titigil ang kanyang music career.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |