|
||||||||
|
||
Bagama't hindi maganda ang damdamin na dulot ng isang break-up, kung saan hindi makakain, hindi makatulog, umiiyak at naglalasing, nagkukulong, hindi umiimik, o kaya naloloka at gumagawa ng di normal. Pero, kung nawala ang pagmamahalan ng isang singer, sometimes, ito ay magiging bagong pagkakataon sa kanilang karera. At maraming classic hits ay sinulat pagkaraang dumanas ng state of craziness because of heartbreak.
Noong unang ipinalabas ni Gwen Stefani ang kanyang bagong album na may pamagat na "This is What the Truth Feels Like", curious na curious ang publiko, dahil ayon kay Gwen na kompletong inirekord ng album na ito ang mga bad feelings niya pagkaraang makipag-split kay Gavin Rossdale. Sampung taong walang siyang isinulat na anumang kanta, sa inspirasyon ng recent heartbreak, ang bagong album niya ay naging isang music dairy para sa kanyang sarili.
Kung mababanggit ang hiwalayan, ang normal na p;araan ay pagpapahayag ng damdamin tulad ng kantang "Cry Me A River" Grammy winning hit na sinulat ni Justin Timberlake. Matagumpay na nakarelate dito ang mga tagapakinig at sa kabila ng matinding pagpe-pretend o pagpigil, kung maaalala ang pagkabigo at mapait na old memories ang resulta ay to cry a river.
Kumpara sa pag-iyak, pagiging crazy at pagkalungkot, ang isa pang matinding pwedeng mangyari pagkatpos ng break-up ay ang pagpili na maging independent at strong, tulad ng kantang na sinulat ni Kelly Clarkson, sabi niya sa kantang "You Love Me" ... Ex-boyfriend? Get out of my life at huwag humadlang sa aking pag-akyat tugatog ng pamumuhay.
Kung tema pa rin ng break-up hindi dapat mamiss ang isang master sa aspektong ito. Ito ay walang iba kundi si Taylor Swift, ang kantang "We Are Never Ever Getting Back Together" ay naging kantang karapat dapat na mapakinggan ng maraming babaeng nakipag-break.
Sa pagharap ng sakit ng sawing pag-ibig, ang classic hit na "Someone Like You" ni Adele ay winner din. Dahil naipakita nito ang mapayapaang damdamin, walang labis na kalungkutan. Ang pagiging feminist ng kanta ay nakatawag na mataas na papuri, bagama't nag-split, nananatiling miss ang ex, nangungumusta at nananalig na naroon pa ang true love at hinihintay ang pagdating ng katulad na tao somewhere in this world. Pero di kaya mauwi lang ang pag-asang ito sa wala?
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |