Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chainsmokers

(GMT+08:00) 2017-05-22 16:18:11       CRI

Today kilalanin natin ang popular na popular na grupong Chainsmokers. Sila ang nasa likod ng hits na 《#SELFIE》 《Roses》 《Don't Let Me Down》 《Closer》 hanggang sa 《Something Just Like This》at ang kalalabas na , ang mga kantang ito ay sumakop sa lahat ng music chart, radio programs, streaming websites at maging ang music player ng mga fans.

Actually, noong 2012, pumasok sa showbiz ang Chainsmokers at sa simula, ito ay binubuo nina Alex Pall at Rhett Bixler. At sumali sa grupo si Andrew Taggart pagkaraang umulis ni Rhett Bixler. Nagtrabaho minsan si Alex Pall sa art gallery at may fixed salary bawat buwan. Ang pagiging DJ ay isang libangan lamang. Pero, unti-unting na-realize niya ang kahalagahan ng dance music sa kanyang buhay at gustong gusto niyang subukin ang mas maraming bagay sa larangang ito, kaya nagbitiw siya sa trabaho at naging isang propesyonal na DJ.

At bago makilala Alex Pall, si Andrew Taggart ay isang college student. Sa panahong iyon, hindi popular ang Electronic Dance Music, at dahil mahilig na mahilig sa disc jockying at magremix ng hottest singles, naging sikat si Alex sa mga kaklase at madalas na inaanyayahan para magperform sa iba't ibang lugar at kolehiyo. Sinimulang ding iupload ni Andrew ang ilang remix niya sa Sound Cloud at nilahok sa ilang pagtatanghal, alam niyang masyadong masipag ang mga matagumpay na DJs at kailangang kailangang magsikap din siya para maging kilala.

Tapos, isang araw, nakilala ni Alex Pall ang manger na si Adam Alpert sa performance, at pagkaraang umalis ni Rhett Bixler, sa pagsalasay ng manager, nagkakilala sina Alex at Andrew. Noong unang pagtagpo nila, ibinahagi nila ang paboritong musika at sariling karanasan. Kapuwang sumang-ayon sina Alex at Andrew na ang EDM ay magiging pangunahing music category sa buong daigdig at samantala, mahusay si Andrew sa paggawa ng musika, at mayaman ang karanasan si Alex sa pagtatanghal at pagbebenta ng sarili, kaya, nabuo ang bagong grupo nila at nananatiling tinawag na The Chainsmokers.

At sa ika-2 araw pagkaraan ng kanilang pagtatagpo, tumira si Andrew sa bahay ni Alex, at nagbitiw sa trabaho. Magkasamang nagsikap ang duo para sa target na maging No 1 EDM music group. Mula sa panahong iyon, unti-unting pumasok sa music list ang kanilang mga hits at naging kilalang kilala ang pangalang Chainsmokers. Natanggap nila ang imbitasyon ng bandang Coldplay at magkasamang ipalabas ang kantang "Something Just Like This"na kasalukuyang ika-3rd place sa Billboard Top 100 Best Selling Single。

Pagkaraang paulit-ulit na gumawa ng musika para sa ibang singer, ipinasiya nina Andrew at Alex na ipalabas ang kanilang kauna-unahang sariling album noong Abril 7. At isinapubliko na nila ang lista ng 12 bagong single sa kanilang Facebook account, bukod sa 《Something Just Like This》《Paris》《The One》, tatlong old songs, may 9 na kanta ang hindi pa nare release. At sa unang album nila, malawakang nakipag-collabrate sila sa mga artistang kinabibilangan nina Emily Warren, Louane、Jhene Aiko、Coldplay at Florida-Georgia Line. By the way, sisimulan ang kanilang music tour sa loob ng Amerika, mula Abril 13 hanggang Hunyo 10, at idaraos nila ang 38 konsiyerto.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Ed Sheeran 2017-05-13 17:34:11
v Best love song ng taong 2016 2017-03-16 15:46:04
v Pinananabikang Singers sa 2017 2017-03-16 15:44:47
v Best selling female album of 2016 worldwide 2017-03-16 15:43:31
v Rock and Roll Hall of Fame 2017-03-16 15:41:46
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>