|
||||||||
|
||
Parehong-pareho ang 39 notes ng dalawang kanta at pagkaraan ng isang taong pagiimbestiga, narating ang kasunduan ng dalawang panig na nagbayad ng compensasyon si Ed Sheeran.
Tapos, nakatawag ng malaking pansin kamakailan ang isa pang balita ng may kinalaman kay Ed Sheeran, ipinalabas ng MTV UK sa Twitter ang statement na nagsabing titigil sa paglikha ng music forever si Ed. At pagkatapos ng kanyang Divide World Tour, gustong niyang mamuhay bilang isang karaniwang tao, partikular na, nitong 2 taong nakalipas, nananatiling matatag ang relasyon niya kay Cheery Seaborn at pagkaraang ikasal sila, gusto niyang bigyan ng mas maraming panahon at ibuhos ang lahat ng enerhiya sa pag-aasikaso sa kanyang family life. Kaya, kung gustong muling mapakinggan ang bagong album, baka kailangang hintayin ang 5 hanggang 10 taon. Dahil parang totoong totoo ang mga detalye naniwala dito ang maraming fans. Pero lumabas nitong Enero ang Twitter post ni Ed at sinabing "Das Bullocks" na nangangahulugang It's Bullshit.
Sinimulang idaos ang Coachella Music Festival noong isang linggo, bilang isa sa mga pinakamalaking festival para sa halo halong genres ng Pop, Rock&Roll, HipHop, Electronic music atbp. pinili ni Lady Gaga ang okasyong ito na ilabas ang kanyang newest single na "The Cure", isa pang kantang puno-puno ng simoy ng summer. Sabi ni Lady Gaga, salamuch sa mga fans at sa maraming masayang tagpo sa kanyang buhay, gamot niya ang lahat ng pagmamahal na mula sa kaniyang mga fans.
Pagkaraang magpahinga ng halos isang taon, pormal na ipinalabas ni Harry Styles, miyembro ng popular na boy-group na 1D, ang kanyang kauna-unahang single na "Sign of the Times", naging maganda harmony ang kanyang soulful voice at rock&roll music, at agarang umakyat sa iba't ibang malaking music chart. Bukod dito, Sa isang interview niya kasama ng Rolling Stones, pambihirang ibinahagi niya ang love story nila ni Taylor Swift. Sabi niya ng sayang saya, huli ng agad sila ng media sa ika-2 date pa lamang. Hindi pa siya mature that time at hindi niya alam paanong iprotect ang each other, kaya love ended in a very short time.
Dahil sa paglabas ng bagong album, dumarami ang exposure ni James Blunt sa publiko, noong 2004, ang kanyang kantang "You Are Beautiful" ay nakatawag ng mahigit 140 milyong views sa Youtube, pero, sa isang interview, sinabi niyang dahil sobrang dalas kantahin ng "You Are Beautiful", naging bored na bored siya at hindi tulad ng romantikong istorya na inimagine ng mga fans batay sa lyrics, actually, inilarawan nito ang isang drug addict na sinusundan o ini-stalk ang isang babae sa subway. Actually, sobrang dangerous ang situwasyon at kundi romantiko. After hearing this story, this time, ano ang pakiramdam ninyo kapag marinig ang kanta?
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |