Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Katy Perry, One Republic, Imagine Dragon, Kygo, Foster The People

(GMT+08:00) 2017-06-19 17:38:27       CRI

Sinong mahusay o propesyonal sa Horoscope o Fengshui? Can you tell me, ano ang maswerteng araw sa pagitan ng katapusan ng Abril at unang dako ng Mayo? Kasi, biglaan at sabay-sabay na ipinalabas ng maraming super idols ang kanilang bagong single. Para sa isang music fan ng musikang Europeo at Amerikano, tuwang tuwa ako, yes, this is a good day, good season, good…enough. :0

Noong Marso, inamin ni Katy Perry sa Twitter na nagsplit na sila ni Orlando Bloom at nananatiling magkaibigan silang dalawa. Nagdesisyon si Perry na magpagupit ng buhok bilang bagong pagsisimula. Tapos halos lahat ng singer ay may pangarap na maging isang fashion designer at halimbawa nito ay ang napaka matagumpay na si Rihanna, ang slippers na idinisenyo niya para sa Puma ay nakabenta ng 7000 Pesos samantala, isinuot din ni Katy Perry ang sapatos na idinisenyo niya mismo at lumabas siya sa Coachella Music Festival. Ang naririnig ninyo ang kanyang bagong single "Bon Appetite", anong kinain ninyo para sa supper, medyo gutom na ako eh.

Masuwerteng masuwerte kung kayo ay "One Republic" party member, kalalabas ng kanilang ika-4 na album na "Oh My God", at sariwang sariwa ang mga single tulad ng kantang "Wherever I Go", "Kids" at iba pa. pero, pero, ipinalabas pa nila ang isang bagong single na "No Vacancy" at natapos din ang pagshu-shoot ng music video. Bukod dito, sa isang interview, ipinahayag ni Ryan Tedder, leadg vocal ng One Republic na nakipag-collaborate sila kina Selena Gomez, P!nk, Camila Cabello at Jess Glynne o ibig sabihin, may mas maraming bagong kanta na ilalabas.

Pagkaraan ng dalawang taong paghahanda, nakatakdang ipalabas ng Imagine Dragons ang kanilang bagong album sa darating na Hunyo 16, at ang naririnig ninyo ay ang kanyang bagong single "Thunder". Parang sapul nang matamo ang napakalaking tagumapay ng kanilang unang album "Night Visions" sa loob at labas ng Amerika noong 2012, ang Imagine Dragons, ay naging specialist sa pagkanta ng mga soundtrack ng TV and Film, maririnig natin ang marami nilang kanta sa mga drama. Halimbawa, ang kantang "Sucker For Pain" ay lumabas sa pelikulang "Suicide Squad", kantang Levitate para sa pelikulang Passengers, at ang Battle Cry ay theme song ng Transformers IV at Ready Aim Fire para naman sa Spiderman.

Abalang-abala kamakailan si Kygo, 26 taong gulang na batang DJ. Katatapos lang ng pakipag-colaborasyon kay Selena Gomez sa kantang It Ain't Me noong Pebrero, isinagawa niya ang kauna-unahang kooperasyon kay Ellie Goulding. Ang original name ni Kygo ay Kyrre Gorvell-Dahll, at isang kilalang painist, DJ at producer na isinilang sa Norway noong 1991. Noong 2014, dahil sa isang remix ng kantang I See Fire ni Ed Sheeran, lumikha si Kygo ng 50 milyon na views sa Youtube, tapos, magkakasunod na ipinalabas niya ang mga music tulad ng remix ng kantang Midnight ng Coldplay, kantang Here For You, theme song ng Ultra Mu Festival. At ang kantang Firestone na nakipagcollabrate siya kay Conrad Sewei ay nagtamo ng mahigit 100 milyong views sa Youtube. Sa listahan ng Top 100 DJs, siya ay nasa 33.

Ang grupong Foster The People ay isang independent music band na galing sa California ng Los Angeles. At sapul nang ipalabas ang kanilang first EP, nakatawag sila ng pagkatig ng maraming music fans, partikular na mga babaeng fans. Ang banda ay binubuo ng tatlong guwapong lalaki na sina Mark Foster、Mark Pontius at Cubby Fink. Noong 2010, sa pamamagitan ng kantang Pumped Up Kicks, umakyat sila sa first place ng Billboard sa kategoryang Alternative, ika-3 place sa kategoryang Rock&Roll. Ang naririnig ninyo ay bagong kanta nilang Doing It For The Money.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Ed Sheeran, Lady Gaga at Harry Styles 2017-06-19 17:01:48
v Chainsmokers 2017-05-22 16:18:11
v Ed Sheeran 2017-05-13 17:34:11
v Best love song ng taong 2016 2017-03-16 15:46:04
v Pinananabikang Singers sa 2017 2017-03-16 15:44:47
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>