|
||||||||
|
||
Kung babanggitin ang Sichuan food o 川菜 chuan cai kung tawagin dito sa Tsina, siguradong ang unang papasok na salita sa isipan ng mga Tsino ay Maanghang.
Sa Pilipinas hindi ako masyadong mahilig kumain ng maaanghang na pagkain, maliban nalang kung may halong gata. Dahil kahit anong pagkain na may gata ay nagugustuhan ko. Sa Beijing ko lang talaga natutunan kumain ng spicy food. Hindi ko alam paano at kailan nagsimula, maaaring dahil sa lamig ng panahon sa tag-lamig, o dahil sa pagiging tipid ko kung saan kahit ano nalang ang mayroon iyun ang aking kinakain. Natutunan ko nang kumain ng maaanghang pero hindi naman lagi ang pagkain ko nito.
buong isda sa napakasarap ngunit napakaanghang na sarasa
Sa aking halos isang linggong paglalakbay sa Chengdu, hindi ko lubos maisip kung paano ko nakayanan kumain ng mga pagkaing spicy bawat araw. Kilala ang Sichuan sa paggamit ng madaming flower pepper na may malakas na amoy, lasa at nagbibigay ng pagkamanhid na pakiramdam sa bibig, mala (麻辣) kung ito'y tawagin. Napakadaming putahe ang syudad ng Sichuan na naging kilala na sa buong Tsina, tulad nalang ng Bicol Express o Laing sa Pilipinas na kilalang gawang Bicol na putahe sa buong bansa.
lalamunan ng baka
tiyan ng karne
Isa sa akin nakahiligan kainin sa Chengdu ay ang hotpot. Dito sa Beijing may hotpot din na may maanghang na sabaw. Pero kakaiba ang lasa ng sabaw sa Chengdu. Marami kang mapagpipiliang lasa ng sabaw, maanghang, hindi maanghang o dalawa. Karaniwan ang inoorder namin ay ang kalahating maanghang at kalahating hindi para hindi magsawa. Sa unang tingin matatakot ka sa dami ng siling inilulubog sa sabaw para umanghang ito, pero hindi naman ito iniinom. Iniluluto lamang dito ang mga karne o gulay na iyong nais kainin. Sa totoo lang, imbis na magsawa ako sa maanghang na sabaw, lalo ko pa itong hinanap hanap.
ang pikapaborito kong dumpling na may manamis namis na sarasa sa ibabaw
Kahit pawisan na, tuloy pa din ang subo ko. Matapos nito ay sumasarap ang aking pakiramdam. Alam niyo ba, hindi lang masarap sa pakiramdam ang pagpapawis, mabuti pa ito sa katawan ayon sa paninniwala.
halu-halong maocai
Kaya sa pagbisita niyo sa napakagandang lugar ng Chengdu, huwag niyo sanang kalimutan kahit tikman man lang ang mga maanghang na pagkaing Sichuan. Siguradong magugustuhan niyo din ang kakaibang anghang sa Chengdu.
Related: Ang pamamahay ng sikat na manunula sa Chengdu (2010.11.07)
Pinakapopular na kalye sa Chengdu (2011.11.01)
Ang "Makipot at Maluwag na Eskinita" sa Chengdu (2011.10.11)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |