NAGTAPOS ang ika-19 ng Philippines-China Foreign Ministry Consultations sa Beijing, Tsina na naging okasyon upang mangako ang pagkabilang panig na isusulong at payayabungin ang magandang relasyon. Pinamunuan ni Foreign Affairs Undersecretary for Policy Evan P. Garcia ang panig ng Pilipinas at ni Vice Foreign Minister Liu Zhenmin ang delegasyon ng Tsina.
Malawak ang naging usapan ng magkabilang-panig na may kinalaman sa pagpapalakas ng tulungan sa kalakal, tanggulang pambansa, mga isyung may kinalaman sa lipunan at kultural at maging tungkol sa people-to-people exchanges at ibayong pagtutulungan ng dalawang kagawaran.
DELEGASYON NG PILIPINAS AT TSINA NANGAKONG MAGTUTULUNGAN. Ito ang napagkasunduan sa ika-19 na Philippines-China Foreign Ministry Consultations sa Beijing noong Biyernes, ika-14 ng Hunyo. (DFA Photo)
1 2 3 4 5 6 7 8