|
||||||||
|
||
IKINABABAHALA ng mga manggagawang kasapi sa Trade Union Congress of the Philippines ang patuloy na paggamit ng mga gasang may asbestos sa Chemistry at Biology classes kahit pa tiniyak na ng Kagawaran ng Edukasyon noong Nobyembre 2011 na aalisin na ito sa mga silid-aralan at makapagliligtas sa milyong mga mag-aaral, mga guro at non-teaching personnel sa exposure sa asbestos.
Nanawagan ang Associated Labor Unions/TUCP at Building and Word Workers International na itigil na ang paggamit ng asbestos sa pinakamadaling panahon.
Sinabi ni Alan Tanjusay ng ALU-TUCP na ito ang kanilang nabatid sa pagdalaw sa mga silid-aralan sa pagbubukas ng klase noong ika-10 ng Hunyo. Ang ban campaign ay nananawagan sa Kagawaran ng Edukasyon, Commission on Higher Education at sa mga may pribadong paaralan na tiyaking wala nang asbestos-laden wire gauzes sa pinakamadaling panahon.
Ginagamit ang asbestos wire gauzes bilang heat insulator at regulator ng beakers mula sa direktang init. Sa paglutong ng mga asbestos wire gauzes, nagiging alabok ito na madaling makapuwing ng mga mag-aaralan sapagkat napakaliit ng mga pira-piraso nito, dagdag pa ni Tanjusay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |