Nagpag-usapan din ang mga isyung mahalaga sa rehiyon at sa buong daigdig. Hinggil naman sa isyu ng West Philippine Sea o South China Sea, nanindigan ang magkabilang panig sa kani-kanilang paniniwala at mga naunang pahayag.
Sumaksi ang mga opisyal sa Exchange of Instruments of Ratification of the Philippines-china Consular Agreement. Ang kasunduang ito ang kumikilala sa mga kalakaran at nararapat na panahon upang ibayong maipagtanggol at matulungan ang mga Filipino at mga Tsino sa kani-kanilang nasasakupan.
Sinundan ang foreign ministry consultations ng pagdalaw ng delegasyon ng Pilipinas sa pamumuno ni G. Garcia kay Chinese Foreign Minister Wang Yi. Sa pagdalaw na ito, binanggit ng magkabilang-panig ang pangangailangan ng pagsusulong ng pagtitiwala sa isa't isa at pagtutulungan upang matamo ang kaukulang mga benepisyo sa magakabilang-bansa. Sinimulan ang pag-uusap noong nakalipas na Biyernes, ika-14 ng Hunyo ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas.
1 2 3 4 5 6 7 8