|
||||||||
|
||
ITATAMPOK sa pelikulang San Pedro Calungsod, Batang Martir ang buhay ng ikalawang santo mula sa Pilipinas. Ito ang magmumulat sa kabatiran ng balana sa buhay ng ikalawang martir sa ngalan ng pananampalataya.
Ayon sa pahayagang Philippine Star, ang pelikula'y magiging isang mahalagang historical film document.
Hindi man siya nakipaglaban para sa isang rebolusyon, nanindigan siya para sa kanyang pananampalataya. Marami umanong matututuhan ang mga Pilipino ngayon sa kabayanihan at mahalagang kontribusyon ni San Pedro Calungsod sa pananampalataya.
Isa rin umanong sinaunang overseas migrant worker si San Pedro sapagkat naglingkod siya sa San Diego Mission ng Kastilang misyonerong si Fr. Diego Luis de San Vitores sa pag-itan ng 1668 at 1672 sa Marianas Islands na kilala sa pangalang Guam ngayon.
Isang Jm de Guzman ang gaganap na Pedro Calungsod at sasamahan ni Christian Vasquez bilang Fr. Diego Luis de San Vitores, TJ Trinidad bilang Captain Juan de Sta. Cruz at Ryan Eigenmann bilang Choco. Si Roberto Correa ang gaganap na Maga'lahi Hirao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |