Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas at Tsina, nag-usap upang mapa-unlad ang pagtutulungan

(GMT+08:00) 2013-06-18 18:14:11       CRI
NAKIPAGKASUNDO ang International Labour Organization sa Bangsamoro Development Agency kanina upang magtulungan sa pagpapatibay ng kapayapaan sa pamamagitan ng tinaguriang local economic development, makataong hanapbuhay at pangmatagalang pagkakakakitaan ng mga taga-Mindanao.

Ayon sa datos, noong 2011, ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), ang may pinakamataas na bilang ng mapanganib ng hanapbuhay at umabot sa 84%. Ang mahihirap na mamamayan ay 1.38 milyon noong 2009 na nangangahulugan na mayroong 218,000 pamilya ang mahihirap.

Ayon kay Lawrence Jeff Johnson, country director ng ILO sa PIlipinas, nakababahala ito sapagkat tinatanggap na lamang ng mga mamamayan ang anumang uri ng hanapbuhay mabuhay lamang at kumain ng tatlong beses maghapon. Hindi nila maiaangat ang sarili sa kahirapan dahilan sa limitadong kita, walang social protection at social security. Matatagpuan sila sa mapapanganib at mahihirap na kalagayan.

Magkakaroon ng skills and enterprise development at job creation patungo sa pangmatagalan at malawakang kaunlaran.

Nilagdaan nina Muhammad Yacoub, executive director ng BDA at Lawrence Jeff Johnson ang kasunduan na maglalaan ng pang-rehiyong palatuntunan ng Local Economic Development through Enhanced Governance and Grassroots Empowerment in ARMM. Magkakaroon ng 12 target communities sa tatlong bayan ng ARMM.

Ang Bangsamoro Development Agency ang maglalagay ng project management at governance structures at magtatalaga ng mga opisyal na magiging local experts at trainers. Sila rin ang maglalaan ng pagdalubhasa sa Halal concepts at kaukulang guidance sa pagpili ng mga komunidad at value chains na may livelihood at entrepreneurship potentials.

Ang ILO ang maglalaan ng managerial, technical at iba pang resources upang suportahan ang palatuntunan.

Ipinagpasalamat mi Muhammad Yacoub ang paglagda ng ILO sa kasunduan sapagkat hindi na mapapadali ang pagdating ng kaunlaran sa kanilang nakaligtaang mga nasasakupan.

Ang PLEDGE an may pondo mula sa Mindanao Trust Fund na pinatatakbo ng World Bank at major contributors ang World Bank at mga pamahalaan ng Australia, Canada, New Zealand, Sweden, Estados Unidos at European Union.

Ani World Bank Country Director Motoo Konishi, ang global experience ay nagpapakita ng kahalagahan ng job creation upang matapos ang kaguluhan at magkaroon ng pangmalawakang kaunlaran.


1 2 3 4 5 6 7 8
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>