|
||||||||
|
||
melo/20130815.m4a
|
DAHILAN sa patuloy na kaguluhan at pagdedeklara ng isang buwang State of Emergency sa Ehipto, minabuti ni Kalihim Albert F. Del Rosario, sa rekomendasyon ng Embahador ng Pilipinas sa Cairo, na itaas ang krisis sa bansa na masaklaw sa Alert Level 3 kaninang umaga.
Nangangahulugan ito na nananawagan ang pamahalaan na magkaroon ng voluntary repatriation ng mga Pilipino sa Ehipto. Suspendido rin ang pagpapadala ng mga bagong manggagawa doon. Hindi rin papayagang makabalik ang mga manggagawa, mga kabiyak ng mga Egyptian nationals, mga mag-aaral sa Islamic University sa magulong bansa.
Inatasan ni Kalihim del Rosario ang Embahada sa Cairo na tulungan ang mga Pilipinong nagnanais bumalik sa Pilipinas. Mayroong mga 6,000 Pilipino sa Ehipto.
Sa panig ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, nanawagan siya sa mga Pilipinong nasa Ehipto na maging maingat at makipagbalitaan kaagad sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo at unawain ang anumang babala at payo. Tiniyak din niya sa mga kamag-anak at mga kaibigan ng mga Pilipinong nasa Ehipto na handa ang pamahalaang tumulong sa mga naroon sa magulong bansa.
Humiling din siya ng panalangin para sa kaligtasan ng mga Pilipino sa Ehipto at sa agarang pagbabalik ng kapayapaan sa bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |