|
||||||||
|
||
Padalang salapi ng mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng daigdig, umabot na sa $ 11.8 bilyon sa unang anim na buwan ng 2013
PATULOY na lumaki ang salaping ipinadala pauwi sa Pilipinas ng mga mamamayang na iba't ibang bahagi ng daigdig. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, lumago ang remittances ng may 6.2% kung ihahambing sa mga naipadala noong 2012.
Ang paglago ng remittances ay dahilan sa 5.1% growth sa remittance flows mula sa land-based Overseas Filipinos na may mga kontratang higit sa isang taon. Samantala ang remittances ng mga magdaragat at land-based workers na mayroong maiksing mga kontrata ay lumago ng 7.5%. Sa buwan ng Hunyo pa lamang, ang personal remittances ng mga Overseas Filipinos ay lumago ng 5.7% at nakarating sa halagang $ 2.1 bilyon, ang pinakamataas na naipadala mula noong Enero.
Nagmula ang pinakamalaking remittances sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Kingdom, United Arab Emirates, Singapore, Canada at Japan. Kung susumahin, aabot sa 74.8% ng remittances ang nagmula sa mga bansang ito. Ang kalakhan ng ipinadalang mga salapi ay idinaan sa bangko.
Ayon sa Philippine Oversease Employment Administration, tumaas ang bilang ng mga manggagawang lumabas ng Pilipinas noong 2012 ng may 6.8% mula sa 1,687,831 noong 2011 at umabot na sa 1,802,031 noong 2012. May 80% sa kanila ang land-based.
Na sa service sector, production, professional at technical workers ang karamihan sa mga newly-hired. Nagtungo sila sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Hong Kong at Qatar ang paborito ng newly hired at rehired workers.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |