|
||||||||
|
||
National Food Authority, tumugon sa mga binagyo
NAKAPAGLABAS na ng halos 1,000 sako ng bigas para sa mga binagyong taga-Hilaga at Gitnang Luzon ang National Food Authority.
Nakapagpadala na sa La Union sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development, samantalang mayroon na ring naipadala sa Abra at kanlurang Pangasinan sa Ilocos Region.
May naipadala na rin sa Cagayan Province at nakapamahagi na rin sa pamamagitan ng Philippine Red Cross at pamahalaang panglalawigan ng Quirino. Mayroon na ring bigas para sa Nueva Vizcaya.
Sa Gitnang Luzon, natulungan na rin ang mga taga-Aurora partikular sa Casiguran.
May 6,000 sako ng palay ang apektado ng bagyo sa Aurora Province.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |