|
||||||||
|
||
Mga pari't madre, humiling ng katarungan para sa mga biktima ng kaguluhan
NAGSAMA-SAMA ang mga madre't pari mula sa Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) upang manawagan sa ngalan ng mga biktima ng serye ng mga pambobomba sa Mindanao.
Sa statement na ipinalabas ng grupo, nanawagan sila sa pamahalaan na kumilos sa mga insidenteng ikinabahala ng mga mamamayan.
Ayon kina Fr. Leo Dalmao, CMF at Sr. Eden panganiban, SSpS, nananawagan sila para sa katarungan para sa mga naging biktima ng mga karahasan.
Hinahamon nila ang lahat ng may taya para sa kapayapaan sa Mindanao na magkaisa upang huwag mapahintulutan ang pagkatakot ng mga mamamayan sa magandang lupain.
Nakiisa rin sila sa mga naging biktima sa Cotabato City, Cagayan de Oro City, Maguindanao at North Cotabato. Nakikiisa rin sila sa buong bansa sa pakikiramay sa mga biktima ng walang katuturang mga pagpatay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |