Halos 150 Pilipinong mula sa Syria, makakauwi na
PATULOY na darating sa Pilipinas ang mga manggagawang sumailalim sa repatriation sa Syria. Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, may 135 mga Pilipino sa Riyadh ang makakauwi ngayong Agosto. Nagmula sa pamahalaan ang kanilang mga ticket sa eroplano. Aabot na sa 1,100 mga Pilipino ang ginastusan ng pamahalaan makauwi lamang ng bansa.
Inaayos pa ng Embahada ng Pilipinas ang flight booking ng may 203 mga Pilipino na may final exit documents na.
1 2 3 4 5