Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pito ang nasawi, maraming hirapan sa patuloy na pag-ulan

(GMT+08:00) 2013-08-20 18:32:21       CRI

Pito ang nasawi, maraming hirapan sa patuloy na pag-ulan

PANG. PANGULONG BINAY, NAGHATID NG RELIEF GOODS.  Pinamunuan ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay (kaliwa) ang pamamahagi ng relief goods sa Cavite.  Kasama niya ang kinatawan ng Lungsod ng Makati sa pagbibigay ng 1,000 bags ng relief goods sa mga taga-Rosario at General Trias, Cavite. (Contributed Photo)

SINASABING magpapatuloy ang pag-ulan hanggang sa Huwebes subalit sa mga oras na ito ay matindi na ang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit-pook. Nanatiling sarado ang mga tanggapan ng pamahalaan, mga paaralan at maraming hindi makalabas ng kanilang mga tahanan dahilan sa matinding ulan at baha.

Pito katao na ang nabalitang nasawi sa pagpapalit-anyo ng mga lansangang naging mga ilog.

Kahit ang Philippine Stock Exchange ay sarado rin. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang tanggapan ng pamahalaang tumutugon sa mga trahedya tulad ng bagyo, may 11 katao ang nasugatan at apat ang nawawala sa ikalawang sunod na araw ng pag-ulan at pagbaha dala ng panahong habagat na napalala ng bagyong si "Maring," international name Trami.

Ayon kay Ninoy Aquino International Airport General manager Jose Angel Honrado, kanselado ang paglalakbay ng Philippine Air Lines at Sea Air sa Ninoy Aquino Inernational Airport dahilan sa sama ng panahon.

May mga pook na hanggang baywang at hanggang leeg ang baha.

Sinabi ni Major Rey Balido, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction Management Council na pawang mula sa Gitnang Luzon ang mga nasawi na pawang nangalunog. May 11 ang nasugatan, apat ang nabalitang nawawala. Apektado ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Gitnang Luzon, Calabarzon, Mimaropa at National Capital Region.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>