|
||||||||
|
||
Higit sa kalahating milyong Pilipino, apekdato ni Maring
MALAKING KAWALAN SA KALAKAL ANG SAMA NG PANAHON. Ang dating mataong SM North Foodcourt ay halos walang tao kaninang ika-12 ng tanghali. Nanatiling bukas ang malalaking shopping malls subalit maraming hindi nakalabas sa kanilang mga tahanan dahilan sa ulan at baha. (Melo Acuna)
BIBIHIRA ANG UMIKOT SA 'THE BLOCK". Kung dati'y halos hindi ka makagalaw sa dami ng mga taong namamasyal at namimili sa isa sa pinakamalaking mall ng SM ni Henry Sy, halos mabilang ang mga taong umikot at namili dahilan kay "Maring." Maraming binaha at may mga nasa evacuation centers pa. (Melo Acuna)
SINASABING mas matindi sa hagupit ni Ondoy noong 2009, higit na sa 600,000 Pilipinong mula sa 503 mga barangay, 50 bayan, 22 lungsod at 15 lalawigan ang apektado ni "Maring" at nang idinulot nitong pag-ulan sa panahong habagat. Pinakamaraming apektadong mga pamilya ang mula sa Region IV-A o Calabarzon, na tinitirhan ng higit sa 60,000 katao.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mayroong 199 na evacuation centers na naglilingkod sa may 41,000 katao. Mayroong higit sa 19,000 pamilya ang naninirahan sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak sa mas matataas na lugar. Matatagpuan pa rin sa Calabarzon ang pinakamaraming evacuation centers na umabot naman sa 59.
Ibinalita pa rin ng DSWD na 17 mga tahanan ang totally damaged samantalang may 15 tahanan ang bahagyang napinsala. Matatapuan ang 14 na nawasak na tahanan sa Region IV-A.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |