|
||||||||
|
||
Bilang ng mga nasawi sa M/V St. Thomas Aquinas, tumaas pa; Pinsala sa karagatan dulot ng oil spill, aabot sa tatlong milyong piso
SA pagpapatuloy ng search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa lumubog na M/V St. Thomas Aquinas noong Biyernes ng gabi, umabot na sa 64 na nabalitang nasawi samantalang hinahanap pa pa ang 56 katao hanggang kaninang ala-un biente tres (1:23 P.M.) ng hapon.
Hindi na nabago ang bilang na 750 kataong nailigtas mula sa sakuna.
Samantala, sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Assistant Director Allan Poquita na walang pagkakakitaan ang may 5,000 mga mangingisda mula sa bayan ng Cordova, sa tapat Cebu City.
Sa isang panayam, sinabi ni G. Poquita na halos kalahating milyong piso ang nawala sa isang may-ari ng fish cage na nag-aalaga ng lapu-lapu. Bukod sa mangingisda, may mga naghahanap-buhay sa pamamagitan ng kalakal ng sea weeds at sea grass.
Wala umanong problema sa mga isda sapagkat sa oras na makapansin sila ng kakaibang uri ng tubig-dagat ay dagliang lalayo sa pook ang mga ito. Ang pinakaproblema ay ang mga suso, alimasag, mga alimango at iba pang mga lamang-dagat.
Malamang na hindi makabawi ang mga katatanim na mangrove sa mangrove site ng Cordova na aabot sa 500 ektarya.
Ipinaliwanag ni G. Poquita baka umabot sa isang taon bago makabawi ang mangroves tulad ng karanasan sa oil spill sa lalawigan ng Guimaras. Maaaring mangailangan ng dagliang tulong ang mga mangingisdang walang pagkakakitaan dahilan sa oil spill.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |