|
||||||||
|
||
Alert Level 4 na sa Cairo, Egypt
ITINAAS na ni Kalihim Albert F. Del Rosario ang alert level sa Cairo at sa buong Ehipto sa Alert Level 4. Nakatakdang dumalaw ang kalihim sa Cairo sa ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang linggo. Kahapon niya itinaas ang Alert level.
Dahilan ito sa pagtuloy na paglala ng situasyon sa Ehipto na pinalubha ng patuloy na kaguluhan sa larangan ng politika at hamon sa seguridad. Lubhang mahirap at mapanganib na manirahan at magnapbuhay doon.
Magiging pwersahan na ang pagpapauwi sa mga Pilipinong nasa Cairo. Ang pamahalaan na ang gagagastos sa pagpapauwi sa kanila.
Dumating na sa Cairo ang Rapid Response Team noon pang nakalipas na araw ng linggo upang tumulong sa repatriation program.
Noong ika-14 ng Agosto, isang Filipino-Egyptian teenager ang tinamaan ng ligar na bala malapit sa kanilang tahanan sa Helwan. Unti-unti nang nagpapapagaling ang biktima ng dalawin ni Kalihim del Rosario.
Nanawagan ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa mga Pilipino sa Ehipto na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo upang mapakinabangan ang repatriation service ng pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |