|
||||||||
|
||
Simbahan, kumilos na at tumulong sa mga binaha
SINABI ni Paranaque Bishop Jesse Mercado na pinakamatinding pag-ulan at pagbaha ang naganap sa kanyang diyosesis. Lubog din ang paligid ng Aguirre Avenue sapagkat hanggang baywang na ang baha. Binaha na rin ang simbahan, dagdag pa ni Bishop Mercado.
Sa Muntinlupa, ibinalita ni Bp. Mercado na mayroong 488 katao mula sa 131 pamilya ang nailikas samantalang sa Parokya ni San Andres, inilipat na muna ang may 480 pamilya sa mas ligtas na kalalagyan. Sa Sto. Cristo Parish namanmay 48 pamilya ang apektado samantalang isang bata ang nalunod sa matinding buhos ng ulan.
Sa panayam kay Bishop Mercado, balak nilang magtayo ng relief centers sa tatlong pook ng Diocese of Paranaque na siyang pagdadalhan ng mga relief commodities para sa mga biktima. Balak nilang maglagay sa St. James sa Alabang Center, sa San Antonio de Padua at maging sa Holy Family Parish.
Sa Diocese of Balanga sa Bataan, ibinalita ni Bishop Ruperto Santos na halos isang talampakan ang baha sa San Ramon Church at nagkaroon ng flash flood mula sa kabundukan.
Sa bayan ng Herbosa, hanggang tuhod ang baha sa patio ng simbahan tulad rin ng karanasan ng mga Dinalupihan at Samal na pawang binaha.
Ayon kay Bishop Santos, naganamit na nila ang kanilang pondo para sa mga de lata at mga gamot na kailangan ng mga mamamayan. Kasama ang obispo ng kanyang social services ministry sa pag-iikot sa lalawigan.
Sa Diocese of Imus, sa lalawigan ng Cavite, nag-iikot pa rin sina Bishop Rey Evangelista at nakikipag-ugnayan sa mga pari at laykong tumutulong sa mga nasalanta.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |