|
||||||||
|
||
melo/20130829.m4a
|
SA kakaibang pangyayari, sumuko ang kontrobersyal na si negosyanteng utak ng P 10 bilyong pork barrel scam, si Janet Lim-Napoles kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kagabi. Nangangamba umano ang negosyante na mapatay dahil sa kontrobersya.
Sinabi ni Kalihim Edwin Lacierda, kagabing ika-siyam at tatlumpu't pito ng gabi ay sumuko si Napoles kay Pangulong Aquino. Ibinigay ni Pangulong Aquino si Napoles sa pangangalaga ni Department of Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II at PHP Chief Alan Purisima upang sumailalim sa processing at booking.
Inunahan na ni Napoles ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation na nakatunog na ng kanyang kinaroroonan. Nakatakda na sanang sumalakay ang mga ahente ng NBI ng biglang sumuko kay Pangulong Aquino si Napoles.
Hiniling ni Napoles sa pamamagitan ng kanyang abogadang si Lorna Kapunan na dalhin na lamang siya sa Campo Crame sa halip na sa NBI.
Ito ang kakaiba sa lahat ng mga naganap sa pagsuko ng mga high-profile accused, nagtungo pa ang pangulo sa PNP national headquarters upang tanggapin si Napoles ay ibigay kay Kalihim Roxas. Kinausap pa ng pangulo ang asawa ni Napoles na nagngangalang Jimmy.
Ipinagtataka ng mga mamamahayag kung bakit hindi sila pinapasok sa turn-over, 'di tulad ng karaniwang nagaganap sa mga high profile suspects. Nagtatago pa rin ang kanyang kapatid na si Reynald Lim bago pa man lumabas ang warrants laban sa kanila noong ika-15 ng Agosto. May kasong kinakaharap ang magkapatid tungkol sa diumano'y kidnapping ng kanilang pinsang si Benhur Luy.
Si Luy at ang mga kasama sa tanggapan ni Napoles ang nagbunyag ng paglulustay ng P 10 bilyon mula sa Priority Development Assistance Fund.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |