|
||||||||
|
||
Pagsuko ni Napoles, malaking hiwaga
MAIHAHAMBING sa isang drama sa tunay na buhay ang naganap na pagsuko ni Janet Lim Napoles kay Pangulong Aquino kagabi. Ito ang paniniwala ni Arsobispo Oscar V. Cruz sa panayam ng CBCP Online Radio.
Ani Arsobispo Cruz, kahapon pa lamang ng umaga lumabas ang balitang may inilaang P 10 milyon pabuya sa pagkakadakip ni Napoles, bigla na lamang sumipot at sumuko kay Pangulong Aquino.
Ang kaduda-duda, ayon sa retiradong arsobispo ay hindi lamang binantayan si Napoles ng Presidential Security Guard personnel, sinamahan pa siya ni Pangulong Aquino sa pagtungo sa Campo Crame.
Kakaibang pagtrato ang ibinigay sa kontrobersyal na utak ng PDAF scam kaya't imposibleng magsalita ng totoo ang sumuko. Baka magkaroon ng pagtatangi sa mga kaalyado ng pangulo mula sa lehislatura hanggang sa ehekutibo.
Isang malaking katanungan ay kung ihahayag bang lahat ni Napoles ang kayang nalalaman o mamimili lamang ng mga impormasyon at pangalang babanggitin, tanong pa ni Arsobispo Cruz.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |