![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ekonomiya ng bansa, patuloy na lumalago
LUMAGO ang ekonomiya ng bansa ng may 7.5% sa ikalawang tatlong buwan ng taong 2013. Ipinaliwanag ni Kalihim Arsenio M. Balisacan na ang ekonomiya ng bansa ay sinusukat sa pamamagitan ng gross domestic product.
Ito umano ay mas mataas sa itinatala ng mga nagsusuri ng median forecast na aabot lamang sa 7.2%. Mahalaga umano ang economic growth na ito sapagkat ito ang ika-apat na sunod na quarter na nakaranas ang bansa ng pag-unlad ng higit sa 7%. Nakaranas na ang Pilipinas ng kaunlarang higit sa 6% mula noong unang bahagi tatlong buwan ng 2012. Napapaloob pa rin sa target na mula 7 hanggang 8 % GDP growth ayon sa Philippine Development Plan para sa 2011 hanggang 2016.
Isang dahilan upang magbunyi ay nananatiling pinakamabilis na pag-unlad sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sapagkat nagkaroon ang Indonesia ng 5.8%, Viet Nam ay 5.0%, Malaysia 4.3%, Singapore 3.8%, Thailand 2.8%. Mas mataas din ito sa Hong Kong na nagkaroon ng 3.3%, Japan na mayroong 2.6%Chinese Taipei na may 2.8% at South Korea na mayroong 2.3%. Katapat lamang ng Pilipinas ang Tsina na mayroong ding 7.5% growth.
Nababago na rin ang larawan mula sa pagiging consumerist, nagkakaroon na ng mga investments at industrialization na nakatitiyak ng mas may-uring hanapbuhay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |