|
||||||||
|
||
Hindi uubrang state witness si Napoles
SINABI ni Senador Miriam Defensor Santiago, isang dating hukom, na hindi nararapat payagan si Janet Lim Napoles na makalusot sa paglilitis dahilan sa pagiging state witness.
Nararapat masagot ang limang requirements upang maging state witness ang isang akusado. Una na rito ay ang akusado'y nararapat na pinakamagaan ang pagkakasala. Mahihirapan si Napoles patunayang wala siyang mabigat na pagkakasala. Kung sakali mang kasuhan ng interagency anti-graft coordinating council ng plunder si Napoles at mga kasama, magkakaroon din ng kasong plunder ang limang senador at 23 mga kongresista na nabunyag ng media ayon sa mga affidavit ng mga kawani ni Napoles.
Magiging state witness ang isang akusado kung lubhang napakahalaga ng kanyang pahayag sa usapin. Kailangang wala direct evidence para sa paglilitis maliban sa pahayag ng akusado, ang pahayag ng akusado ay matutugunan sa sariling material points. Mahalaga ring mabatid na ang akusado ay 'di kailanman naihabla ng usaping may kinalaman sa moral turpitude.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |