|
||||||||
|
||
Pinoy na nahatulan ng kamatayan, makakauwi na rin saw akas
NAGSIMULA na ang proseso upang makauwi sa Pilipinas ang manggagawang si Rodelio "Dondon" Lanuza.
Ayon kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, nagbalita na si Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin Tago sa pamamagitan ni Kalihim Albert F. del Rosario na natanggap na ng Damman Reformatory Jail kamakalawa ang advance copy ng kautusan ng Emir ng Eastern Region. Ayon sa kalakaran, dinala nan g police officer ang papel sa kanilang travel section upang ipatapon palabas ng kaharian.
Kukunan din siya ng fingerprints na isa sa mga bahaging kailangang gawin upang makaalis na siya ng kaharian.
Sinabi ni Pangalawang Pangulong Binay ang lahat ng procedures ay tatagal ng dalawa hanggang tatlong linggo. Isinasaayos na rin ang exit visa ni Lanuza. Nahatulan siya ng parusang kamatayan dahilan sa pagpaslang sa isang Arabo noong 2000. Pinagtangkaan umano siyang halayin ng Arabo at siya'y nanglaban.
Pinatawad siya noong 2001 matapos magbayad ng tatlong milyong Saudi Riyal na hilining ng pamilya ng nasawi.
Sa 3,000,000 riyal, may 700,000 ang sinagot ng pamahalaan at ng mga kaibigan ni Lanuza. Ang 2.3 milyon ay sinagot na ng hari.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |